Chapter 17 (Welcome back)

5 0 0
                                    




Ria.

Kinaumagahan maaga akong nagising, Ganado ako ngayon dahil alam ko na ang dapat kong malaman. Itinawag ko agad ito kagabi kay Tita Merinda at pinabackground Check si Elizabeth Suarez. Dahil na rin sa pangamba ko na baka Half sister ko si Becca ay Kailangan ko agad malaman ang lahat. Nitong umaga lang ay naiemail na agad sa 'kin ni tita ang lahat.

Si Elizabeth Apelado-Suarez ang dating asawa ni Ricardo Suarez, isang sikat na businessman. Nag-iisang Anak nila si Rebecca Suarez pero noong 13 years old na si Becca ay naghiwalay na ang parents niya, Nakipagannul daw si Elizabeth kaya ngayon ay May iba ng pamilya si Ricardo. Binigay ni Ricardo ang isa nitong kumpanya kay Elizabeth para kay Becca. Kaya ngayon ay may clothing company sila gaya rin ng isa naming company. Naging business partner sila ni dad at doon nagkakilala, and then boom nagkainlove-han. Pwe! Pero as far  as I know ginamit lang ni Elizabeth si dad dahil papalugi na ang clothing company nila na isinalba ni dad nung mga panahong nagkakamabutihan palang sila. Then now, lumaki na ang kumpanya nila kasama ng kumpanya namin nila dad.

Mistress na nga Gold digger pa. I know na may Alam si Becca sa mga pinaggagawa ng mom niya imposibleng wala. Sinabi ko rin kay tita na alamin ang mga kumpanya nila dad na magkasama kung saan ito nakatira. Kailangan alam ko ni isang maliit na detalye tungkol sa 'kanila.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko paring natutulog si Allen, it's just 7 am. Kaya naman nagorder nalang muna ako ng almusal naming dalawa at inayos ko ito, bago siya magising.

Pero pagkalapag ko palang ng plato ay nakita ko na agad na bumangon na siya at hawak hawak ang leeg sabi na mangangalay 'to eh. Napasulyap naman ako sa bibig niya ng magsalita siya.

"Goodmorning."

Napalunok ako pero agad kong iniwas ang mga mata ko sa labi niya at pilit iniwaglit sa isipin ko 'yung nangyari kagabi. Kailangan ano man ang gawin ko ay dapat siya ang maapektuhan hindi ako.

"Morning din. Tara kain na tayo."

Allen.

Napaiwas ako ng tingin kay Ria, more on sa labi niya nang magsalita siya. Nanaginip ako kagabi, 'yang mapupulang labi niya ay nakalapat raw sa labi ko. Shit!

Tahimik kaming kumain pero pansin kong panay sulyap siya sa 'kin at kapag nahuhuli ko nginingitian niya ako. That smile, bihira kong makita ito sa 'kanya.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa kotse ko na pinaayos ko kagabi at nagpahatid siya sa isang malaking bahay nagulat pa ako ng magpaalam siya sa 'kin ay hinalikan niya ako sa pisngi. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at bahagyang napatras. Sa pisngi ko lang naramdaman ang labi niya pero naisip ko na naman 'yung napanaginipan ko kagabi. Shit ka Allen!

"Thanks for always helping and saving me Allen. Take care ha?" At tuluyan na akong tinalikuran. Nakita ko pa na may sumalubong sa 'kanyang babae it could be her mom. Nagbabakasali pa akong anyayahan niya ako sa loob at ipakilala sa mom niya pero hindi nangyare.

Hindi ko na talaga alam kung nakakapag-isip pa ako ng matino.

Pero sa tuwing nasa paligid ko si Ria, nakakalimutan ko lahat. Nakakalimutan kong mag-isip at gamitin ang talino ko.

Hayst! Remember Allen, Magkaibigan lang kayo. At hanggang doon lang kayo. Hindi mo pwedeng iwanan si Becca. Mas mahal mo si Becca. Hindi mo sasaktan si Becca.

Her Way of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon