school days (2)

203 4 6
                                    

kahapon,

tanong ng tanong sina Emily sa akin.

Hindi naman kami close eh.

Ay wait. close pala kami. 

Sobrang close na binubully na ako walang respeto.

Pero hindi naman sila true friend. Pinupuntahan lang nila ako kapag may kailangan sila sa akin at kapag binubully nila ako. Nakakasama ko sila dahil hinihila nila ako sa grupo nila para makakain at mambully. Masaya sila sa ginagawa nila. Ang bully nila. Sobra. Humihinga na lang ako ng malalim para hindi umiyak. Nakakaiyak na kasi. Pero buti napipigilan ko pa. Ang sasama nila.

Oo. Nasasabi ko na yan. Kasi sobra na eh. Nasasaktan na ako sa mga ginagawa nila.

Pero buti nga may kaibigan pa ako. Si Beth. Ang bait bait niya. Meron pa naman akong mga true friend kahit kabully bully ako.

Oo nga pala. Ang tanong ni Emily sa akin eh bakit daw kami close ni Lucas. Ambisyosa daw ako. Baka mahawa pa daw si Lucas sa sakit ko. Ang pagiging kabully bully at kaapi api. Nagtawanan ang lahat nung sinabi yon. Tinignan ko naman reaction ni Lucas nung sinabi yon. Tulog siya.

May crush ako pero hindi naman kami bagay.

Kasi malayo ang mundo ko sa kanya. Sobrang layo.

Nakakaawa na ba ako?

Hindi naman. Hahaha.

Sana dismissal na kasi niyaya na naman ako ni Lucas. Nagpapasama lang naman siyang bumili ng cake para sa mommy niya. Kahapon pa lang kami nag-usap pero ganyan na siya sa akin. Hindi ko nga alam bakit eh. Feel ko nga nananaginip ako. Hindi niya kasi ako binubully. Pinapatawa niya ako. Pinapangiti. 

Ang saya noh? Nakakakilig. Pero sure ako pag nalaman niyang may gusto ako sa kanya, lalayuan na niya ako. Palagi namang ganyan eh. Kaya sisiguraduhin kong walang makakaalam na may gusto akio sa kanya. Ako lang dapat. 

4:00 pm pa lang.

1 hour pa.

.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

..

./...

.

.

.

k

4:30 pm

30 minutes pa. Kakayanin ko.

Pero baka mamaya hindi siya matuloy. Wag naman. Sana hindi siya yayain na magdota. Syempre mas pipiliin niya barkada niya kaysa sa akin. Sure ako ayaw niya kaming mahuli. Ayaw naman ng mga tao na malove team sa tulad kong kaapi api at kabully bully at invisible. Haay. Buhay nga naman.

.

.

.

.

Emotion forming TEARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon