chapter 12.3

188 6 2
                                    


Gladys POV

Kanina ko pa napapansin na nakatingin si jose sa table kung nasan sila ate uge. Di man niya aminin alam ko may something sa dalawang ito. Nakita ko naman ang paiba iba reaksyon ni jose mamaya nakangiti tapos bigla na lang magsusungit tsk iba na talaga tama nito. Kaya naman nakaisip ako isang plano para mapaamin ko ang mga ito at sana effective hahaha...   Habang nagiisip ako ng gagawin nakita ko naman si jose na tahimik lang nakatitig kay ate uge halatang selos na selos na paano ba naman kasi ang sweet sweet nilang dalawa.

"Tara lapit tayo sa table nila ate uge" pagaya ko sa kanya.

Kumunoot naman noo niya at tinignan ako ng masama.

"At bakit kung gusto mo ikaw na lang ayoko pumunta doon"  masungit niya sabi

"Ang KJ mo naman, alam mo mas ok nga na andun ka eh para mabantayan mo bawat galaw ni pogi. Baka mamaya di mo namalayan naiuwi na pala niya si ate uge ikaw din"

" bahala siya kung gusto niya sumama sa panget na yon matanda na siya bahala na siya sa buhay niya"   walang ka reareaksyon na sabi niya.

Di naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Alam ko galit na ito pinipigilan lang niya.

" paano kung pagselosin natin si ate uge?" suggest ko sa kanya.

" ano kamo pagseselosin tsk! Ayoko nga? Pagtangi niya. Hay kj talaga nitong matanda ito

"Oh bakit ayaw mo?"

" wala naman tayo mapapala dyan at di yon magseselos sayo noh pagtatawanan lang tayo nun" sabi niya saka tumawa.

Haist kainis naman ang nega. Pero may point naman siya baka nga pagtawanan lang niya kami kasi alam niya normal lang sa amin ni jose ang maging sweet. Habang nagiisip ako bigla may nahagip mga mata ko tsk umaayon talaga ang tadhana sa akin hahahaha....

" alam mo tama ka! D talaga maniniwala sa atin yon kaya naman may naisip ako"  sabi ko

"Ano nanaman yan?" takang tanong niya pero nginitian ko lang siya.....

----

Eugene POV

Hay kanina pa ako nabobored dito paano naman kasi itong mga kasama ko may kanya kanya mundo. At eto katabi ko pa kanin pa nagpapacute at nagpapansin nakakairita na haist kug sana lang eh andito si jose di sana may kausap ako ay oo nga pala galit pala ako sa kanya. 

"Hoy best ok ka lang?"  tanong ni allan sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. "Oo naman ok lang ako"

" sus sure ka ha tahimik mo kasi"

" e busy kasi kayo kaya di niyo na ako napapansin dito" kunwaring nagtatampo ba sabi ko sa kanya

"Asus, huwag ka nga best di mo bagay" sabi nito at tumawa

Inirapan ko lang naman siya haist kainis.  Kinakausap nila ako pero di ko sila pinapansin kunwari nagtatampo talaga ako. Itinuon ko na lang ang attention ko sa stage.   Pero di ako makafocus dahil may nakita ako na mas lalo napag pa inis sa akin.  At talaga lalapit pa sila dito ah mga walang hiya talaga.... Hay kalma lang kunyari di mo sila nakita.

"Hi guys" narinig kong bati niya sa amin pero di ko yon pinansin.

"Oh jose ikaw pala ano ginagawa mo dito diba off mo ngaun?" gulat na tanong ni allan

" ah oo nga bakit di ba pwede tumambay dito ha?" he said. 

" sus ang sabihin mo may kadate ka lang kaya ka andito pakilala mo naman yang kasama mo?" sabi naman ni sweet. At sabay tingin sa akin pero di ko siya pinansin.

IT MIGHT BE YOU  ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon