Chapter 18

114 3 6
                                    

Jose POV

Nang mahila ko si uge. Nagkatitigan kami dalawa grabe ganda naman talaga nitong mylabs ko. Ang pupula pa ng labi. Kaya naman di ko napigilan ay dumampi ang mga labi namin. Nagulat siya sa ginawa ko. Nasa ganun kami posisyon ng may..

"Ehem"

Sa gulat ni uge ay natulak niya ako at agad tumayo. Nakita ko nakangisi samin si boobay at nakasimangot naman si bradpitt.

"Naistorbo ba namin kayo?" pangasar na tanong ni boobay.

" hindi ba halata?" masungit kong sagot sa kanya. Nahampas naman ako ni uge.

" kayo talaga di na makahintay sa bahay at dito pa kayo nagtutukaan, paano na lang kung iba ang pumasok at nakakita sa inyo edi headlines kayo bukas?" mahabang litanya ni bradpitt.

Tinignan ko si uge mukhang nahiya sa dalawa. Ako naman naka ngiti lang.

" eto kasi si jose, ang harot harot" medyo inis na sabi ni uge. At masama nakatingin sakin.

" gustong gusto mo naman" pangasar ko. Binatukan naman niya ako. Natawa lang naman yong dalawa samin.

" bat kayo.nandito?" tanong ko sa kanila.

" namamsyal? Diba halata?" pilosopong sagot ni boobay kaya binato ko sa kanya yong dextrose. Joke lang sinamaan ko lang siya ng tingin.

Habang naguusap sina boobay at eugene. Linapitan naman ako ni bradpitt.

"Jose, kamusta ka na?"

"Ok naman na, medyo napagod lang kaya siguro natumba"Sagot ko sa kanya tumango.naman siya at bigla sumeryoso ang mukha niya.

"bradpitt, bat seryoso mo naman may problema ba?" tanong ko sa kanya at tumingin siya sakin.

"ikaw magsabi ka nga sakin ng totoo ano bang meron sa inyo ni eugene?" seryosong tanong niya saken.

"diba alam mo naman na nililigawan ko siya?"

"Oo nga pero sa kilos niyo parang kayo na eh, lalo na yong nakita namin kanina yon ba ang nagliligawan?"

medyo.nahiya naman ako sa sinabi niya. Oo nga nililigawan ko pa lang siya pero di ko mapigilan eh sa tuwing makikita ko siya lalo na mga labi niya parang natutukso ako nahalikan siya ..( landeee talaga) sino naman hindi matutukso maganda na mabait lahat nasa kanya na kaya mas lalo ko siya minamahal lalo na ngayon na siya pa nagaalaga sakin hay..

" hoy nakatulala ka dyan?" narinig kong sabi ni brodpitt. Kahit kailan talaga panira ng moment tong matandang toh..

"Pero payong kaibigan lang jose, kung ako sayo wag mo na pakawalan yang si eugene. may nobya ka na may nanay ka pa?" pabirong sabi ni brodpitt kaya napatawa ako loko talaga toh

"Wag ka magalala aalagaan ko yan at di na papakawalan pa" paninigurado ko sa kanya at tumango lang siya.

Lumipas ang ilang oras at nagpaalam na din sila boobay at brodpitt. At kami nanaman dalawa ni mylabs ang naiwan. Napansin ko na kanina pa niya ako di pinapansin at kinakausap. Kaya tinawag ko siya.

"Mylabs" pagtawag ko tumigin lang siya sakin at inirapan ako. Ano nanaman kaya problema nito.

"Mylabs halika dito tabihan mo ako?" malambing kong pagtawag sa kanya.

"Che! Bahala ka sa buhay mo" masugit na sabi niya at tinalikuran ako.
Bigla tumunog ang cellphone ko kinuha ko ito hangang sa nakaisip ako ng isang paraan para pansisin ako ni uge. Sana epektib.

" hello babes"

Eugene Pov

kanina ko pa hindi pinapansin si jose. Sino ba naman di maiinis sa ginawa niya. nakakhiya pero medyo kinilig ako dun ng bigla niya ako halikan pero nakakhiya dahil nakita pa nila boobay at brodpitt. Kaya dahil dun hindi ko siya pinapansin naiinis ako sa kanya.

IT MIGHT BE YOU  ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon