chapter 22

97 5 11
                                    

....

Eugene POV

Andito na ako ngayon sa Dr ko para magayos dahil. May taping kami ngaun ng CB. Hindi Pa rin kami nagkakausap ni jose. At ang mokong wala ata balak magsorry dahil hangang ngaun ni tawag o text wala manlang ako natangap mula sa kanya. Naiinis ako sa kanya. Baka mas gusto na nya talaga ung arny na un baka Hindi na ako ang mahal nya. Kung anu-ano na pumapasok sa utak ko sinasaktan ko sarili ko dahil sa mga naiisip ko. Narinig ko bigla bumukas ang pintuan patulo na luha ko eh istorbo naman.

"Hi miss uge" bati sakin ng ep namin na siya pla ang pumasok.

"Hi," bati ko naman sabay beso.

"Miss uge inform ko lang po kayo na di muna makakapasok si sir jose, "

Napataas naman kilay ko

bakit nanaman kaya wala ang isang yon aba magaling na siya ah

"Ah ganun ba, sinabi ba niya bakit siya wala? "

"May guesting daw siya nakasched ngaun kaya nagleave muna siya"

"Ah OK, sino papalit sa kanya? "

After namin magusap pumasok naman Si boobay.

"Hi ate uge" masayang bati nya sakin, tipid lang naman na ngiti ang sagot ko sa kanya. Nabadtrip ako bigla dahil wala si jose. Iniiwasan ba ako ng isang yon?

"Oh bat naka aling simang ka na naman? "

Ano daw simang?

"Anong aling simang? " curious komg tanong sa kanya

"Diba ikaw un ? Diba naging character mo un dati? "

Napaisip naman ako, napakunoot noo naman ako ng maalala un bwiset talaga itong baklang toh

"Hindi ako yon iba ata pinanuod mo," sagot ko sa kanya at inirapan siya. Tumawa naman siya.

"Eh bakit ka kasi nakasimangot dyan? " muling tanong niya sakin di nya talaga ako tatantanan hay.

"Wala" inis na sabi ko sa kanya at inirapan ko siya wala ako sa mood makipagbiruan ngayon

" dahil ba wala si kuya jose kaya ka ganyan? "

"Hindi ah, eh ano naman kung wala siya mas OK yon atleast di ko siya makikita dahil naiinis Pa rin ako sa kanya"

"Balita ko nga na baka magkasama sila ni arny, may guesting daw sila"

Napatingin naman ako sa kanya. Kaya pala magkasama nanaman sila.

"Edi magsama sila, tara na nga labas na tayo" inis na sabi ko sa kanya. Narinig ko naman tumawa siya pero dinedma ko na lang.

Nauna na ako pumunta sa studio ng bigla may tumawag sakin, napalingon naman ako.

"Hi ate uge" bati nya sakin saka bumeso.

"Hi, Tom ano ginagawa mo dito? "

" ako muna guest gangnam ngaun wala daw si kuya jose, may guesting daw kasama si arny"

Nainis naman ako lalo dahil sa sinabi ni Tom,

"Ah ganun ba, " walang gana Kong sagot, sabay na kami pumasok sa studio at wala ako gana ngayon iniisip ko Pa rin kung ano na ginagawa ng dalawa. Baka lalo. Landiin ng babaeng yon si jose at ung isa naman nagpapalandi din.

"Ate uge tignan mo ito oh" biglang sabi ni boobay at inabot phone nya sakin. Nakita ko naman na nagpost ng story sa ig si arny na kasma si jose. Nakaholding hands Pa. Gusto ko ibato ung phone sa sobrang inis ko pero naalala ko di pala sakin yon. Binalik ko naman kay boobay yong phone niya.

"Edi magsama sila, wala akong pake" sabi ko at di ko na pinansin sila boobay at kinausap ko mga staff para sa mga spiels ko mamaya. Pero naiinis Pa rin ako. Pero naalala ko. May karapatan ba ako eh di Pa naman kami. Gusto ko maiyak pero kailagan ko pigilan at magpakitang ok lang ako.

--

Nagumpisa na ang taping, dahil sa pagpapakilig ni Tom sa kanya at sa mga banat niya ay parang nakalimutan na niya saglit ang problema niya.

"Kung sakali single ako miss uge at liligawan kita papayag ka Ba? " tanong sa kanya ni Tom. Na nakangiti labas ang kanyang dimples.

Kinilig naman si uge, alam niya na gusto lang siya pasayahin ni tom kaya sinakyan niya ang banat nito.

" naku tinatanong pa ba yan, syempre oo naman noh, magka jowa ba naman ako ng ganyang kagwapo eh"

" sino mas gwapo si tom o si kuya jose, parehong gwapo at may dimples yan ah" tanong ni boobay.

" mas gwapo ba syempre si tom, mestiso yan o walang kung anik anik sa mukha, ang kinis kay tom na lang ako" kinikilig na sabi ni uge at lumapit kay tom at niyakap ito. Napailing na lang si tom at si boobay d na makaimik.

"Ah talaga ba mas gwapo siya kesa sakin?"

Napalingon naman Si uge, hinanap niya kung saan nangaling yon bigla naman bumukas ang led at lumabas si jose na kinagulat niya pero nakayakap Pa rin siya kay Tom.

Jose POV

Kanina Pa ako andito sa studio kinuntsaba ko silang lahat na sabihin kay uge na may guesting ako sa ibang show at kasama ko si arny. Ginawa ko un dahil. May surpresa ako para sa kanya. Pero mukhang ako ata ang na surpresa dahil nakikipaglandian siya kay Tom. Di na ako nakatiis kaya sinabi ko sa staff na lalabas na ako.

"Ano uge mas gwapo talaga siya kesa sakin? At talaga nakayakap ka Pa ha? " medyo inis na sabi ko. Sinabihan ko naman ang staff na wag kuhanan kung ano man ang mangyayari ngaun.

"Hala ka ate uge" tukso ni boobay.

Kumalas naman si uge sa pagkayap niya kay tom at masama ang tingin sakin. Aba siya na nga ang may atraso siya Pa mas galit.

"bakit ano masama kung yakapin ko si Tom? Eh ikaw nga may kayakap ka din naman at kaholding hands Pa " pagtataray niya.  Naghiyawan naman ang mga tao sa studio.  Napailing na lang ako. At Ayun nagselos nga.Gusto ko matawa pero kailagan ko pigilan.

"Nagseselos ka? " seryoso Kong tanong sa kanya. Inirapan naman niya ako.

"Huwag mo ako irapan? Sagutin mo tanong ko nagseselos ka Ba? "

"Sagot ka na te uge," pagbuyo naman ni boobay

"Ewan ko sa inyo, teka bakit andito ka diba may guesting kau ng babae mo bat ka andito?" Mataray pa rin sagot niya. Naku mukhang mahihirapan ako suyuin ito. Baka mamaya bigla na lang magbuga ng apoy.

"Part ako ng show diba? Tska nacancel ung guesting ko kaya andito ako" pagdadahilan ko,

" magbabangayan na lang ba kayo dyan? O magshoshow tayo?" Tanong ni brodpitt samin. Napatingin ako sa kanya pero seryoso mukha niya.

" ayos na kasi kanina may epal. Lang na dumating"

"Epal ako? "

"Hindi si boobay" inis na sabi niya. Aakapin niya ulit si Tom ng bigla ko. Siya hilain palabas ng studio.

---

"Hoy saan mo ako dadalhin? " sigaw ni uge, pero di naman siya pinapansin ni jose. Hangang sa makarating sila sa parking lot.

"Sakay" seryoso sabi Ni jose. Pero di naman siya pinansin ni uge.

"Bat ako sasakay dyan, may sasakyan naman ako tska may trabaho Pa tayo"

"Sasakay ka o hahalikan kita dito? "

Nanlaki naman mata ni uge. napangisi naman Si jose.

"Oo na sasakay na bwiset" at agad pumasok sa sasakyan. Napailing na lang si jose.

"Saan mo ba ako dadalhin? " masungit na tanong ni uge ng makapasok ng sasakyan si jose.

"Basta, magpahinga ka na lang dyan at wag ka na magtanong"

"Sungit"

Di na lang siya pinansin ni jose at pinaandar na ang sasakyan.

---

Hello I'm back hehehehe. 🤣
At nakapag UD din alam ko madami nagaantay hehe sorry nakakalimutan ko na di Pa pala tapos ito hehe salamat sa mga nagbabasa at nagaantay Pa ng update. 😊😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IT MIGHT BE YOU  ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon