Chapter 21

103 2 1
                                    

"kuya wally alam mo may napapansin ako dyan sa arny na yan" sabi ni paolo habang naglalakad sila pabalik sa kwarto ni jose, napatingin naman sa kanya si wally

" ano naman yon?"

" feeling ko ah may gusto yan kay jose"

" ano? panu mo naman nasabi ?" curious na tanong ni wally

" eh paano naman siya yong una pumunta dito noong naospital si jose, inalaagaan niya pa na para siya ang jowa. eh diba lately lagi sila magkasama?"

" ano ka ba sabi sakin ni jose close lang sila tska nagalala lang naman yong tao kay jose ikaw talaga gumagawa ka ng chismis"

" hindi ah , napansin ko mga titig niya kay jose kung paano niya asikasuhin para talaga siya ang jowa eh, dinaig pa niya si ate uge feeling ko talaga may gusto yan arny na yan kay jose, ikaw ba di mo ba napapansin yon?"

"napapnsin pero sabi ni jose magakaibigan lang daw sila ni arny at si uge talaga ang gusto niya , ewan ko ba dyan kay jose lapitin ng babae lakas ng appeal"

" nako sinabi mo pa" sabi ni paolo. nakarating na sila sa kwarto ni jose napansin nila ito na nakabukas.

" pao di mo ba sinara yong pinto nun lumabas ka?"

" ha? sinara ko naman ah, teka narinig mo ba yon?"

"parang--"

nagkatinginan sila at agad na pumasok sa kwarto at nagulat sila sa nakita nila.

--

Eugene Pov

" ate uge papasok pa ba tayo?" tanong sakin ni boobay, hindi ko siya masagot dahil di ko inaasahan na ganito makikita ko. bakit andito nanaman yang babae na yan. nakakainis na ah lagi na ko na lang siya naabutan na andito, noong una sinusubuan niya si jose ng pagkain ngayon naman magkayakap sila.

" ate uge"

napatingin naman ako kay boobay, huminga ako ng malalalim at sinenyasan siya na pumasok na. ginagalit talaga ako ng mga ito eh.

"AHEEEM" 

napabitaw naman sa pag yakap si arny , at tumingin sila samin at pareho silang gulat na gulat lalo na si jose.

"u-uge ka-kanina pa- pa ba kayo an-andito?" nauutal na tanong ni jose, halatang kabado napatayo naman si arny at nginitian pa ako. mas lalo kumulo dugo ko sa kanya.

" hindi kadadating lang namin ni ate, naistorbo ata namin ang sweet moments nyo " sarcastic na sabi ni boobay. 

" hi-hindi naman, ah"

" bat nauutal ka jose? nakakistorbo ata kami aalis na lang kami ni boobay" sabi ko hihilain ko na sana siya ng bigla siya nagsalita

" kadadating nyo pa lang aalis na kayo? "

" mukhang ok ka naman na eh, ano pa gagawin namin dito eh may NAGAALAGA naman na sayo?" inis na sabi ko inemphasize ko talaga yong word na NAGAALAGA para alam niya naiinis ako.

" ah actually nagpapalam na nga ako kay jose, aalis na din ako, " sabi ni arny na parang nahiya sakin,

" naku wag ka aalis, dito ka lang mukhang mas gagaling si jose pag IKAW MAGAALAGA eh diba jose kasi kahapon andito ka diba tas ngayon andito ka ulit edi sana di ka na lang umalis kahapon "  mataray na sabi ko.  nakita ko naman natetense na si arny,hindi naman sana ako magtataray eh kaso di ko lang talaga kinaya ang nakita ko.

" hindi naman sa ganun miss uge napadaan lang naman talaga ako dito"

napadaan as  if naman maniniwala ako sinasabi ng babaeng ito. samantalang yong isa naman hindi na mapakali palipat lipat ang tingin samin ni arny.

" boobay iwan mo na dyan yong mga dala natin, aalis na tayo " utos ko sa kanya agad naman niya ako sinunod, masama pa rin ang tingin ko kay jose, naiinis talaga ako sa kanya. ng mailapag ni boobay mga dala namin ay naglakad na ako palabas  . nakita ko sina paolo at wally sa may pintuan nagulat ng makita kami pero di ko sila pinansin at dumiretcho na lang naglakad.  narinig ko tinatawag ako ni wally pero binilisan ko ang paglakad ko. nakakainis naman kasi ganun madadatnan mo. hay bahala na
siya sa buhay niya.

---

"paano na yan?" tanong ni wally kay jose.  tahimik lang si jose simula ng nag walk out si uge.umalis naman na din si arny at silang tatlo na lang ulit ang naiwan.

" kaloka yon kanina ah, galit na galit si ate uge ano ba kasi nanyari ah jose?"

"nakita niya na magkayakap kami ni arny, hindi ko naman kasi alam na andyan sila ni boobay kaya yon nagalit"

" ayon naman, teka magkayakap? eh bakit kasi kayo nagyakapan ni arny? may balak ba kayo gawin dito ha?" tanong ni paolo binato naman siya ng unan ni jose.

" oo nga naman jose bakit kasi kayo nagyakapan ni arny?"

hindi naman alam ni jose paano ipapaliwanag sa mga kaibigan niya ang nanyari dahil iniisip niya pa rin si uge.

"hoy jose!"

JOSE POV

" ano gagawin ko?" tanong ko sa kanila pagkatapos ko sabihin ang nanyari napilitan na ako magkwento dahil ang kulit nitong dalawa.

" edi mag sorry ka, paliwanag mo kung ano talaga nanyari"

"paano nga? ayaw niya sagutin tawag ko"

"edi puntahan natin sa kanila pagkalabas mo dito"

napatingin naman ako kay wally, at bigla ako may naisip na pwede namin gawin.

---

"ate uge ok ka lang ba?" tanong ni boobay sinamahan niya muna si uge .

"nakakainis boobay nakita mo ba yong kanina,magkayakap silang dalawa, napakaharot talaga ng arny na yan, nakakagigil buti na lang nagtimpi pa ako gusto ko na siya sabunutan sa inis ko kanina" inis na sabi ni uge. napatwa naman si boobay at tinignan niya ito ng masama.

" may nakakatawa ba sa sinabi ko ha? boobay?" mataray na tanong niya

" wala naman ate uge, grabe ka pala magselos noh?"

napataas ng  kilay si uge ng tumingin kay boobay.

" hindi ako nagseselos" mataray niyang sagot

" asus anong hindi, halos umusok na nga ilong mo kanina noong nakita mo magkayakap silang dalawa eh tsaka may pa walk out ka pa yon ba ang hindi nagseselos?" pang asar niya kay uge natahimik naman si uge. lumapit naman si boobay sa kanya

"ano na ba kasi status niyo ni kuya jose?" curious niyang tanong

"ha- friends, manliligaw " sagot niya at umiwas ng tingin kay boobay.

" manliligaw? pero di pa kayo grabe ka na magselos?"

" nakakinis lang naman kasi, boobay alam naman ni arny na nililigawan ako ni jose dikit pa ng dikit parang linta bigla na lang sumusulpot" inis na sagot ni uge

"baka naman type niya si kuya jose kaya naman lagi pumupunta doon, kung sabagay di ko naman din masisi si kuya jose kung maatract siya kay arny ang gandang babae at sexy pa"

napatingin naman ng masama si uge kay boobay. "so anong ibig mong sabihin?" masungit na tanong ni uge.

" wala naman, pero kahit na naatract si kuya jose dun ikaw pa rin ang pipiliin nun kasi ikaw ang mahal niya ayiiie " kinikilig na sabi ni boobay. napangiti na lang si uge.

-----

taping na ng celebrity bluff pero di muna papasok si jose. nasa dressing room niya si uge at sinabi sa kanya ng staff na may guest gangnam sila dahil di makakarating si jose dahil meron siya importanteng kailagan gawin ang hindi niya alam ay may isang mgandang surpresa pala ang maghihintay sa kanya.

--------

hello! wow 4.8k reads na itong story ko. kahit medyo matagal na ko di nakakpagupdate may nagbabasa pa rin pala. hehe thank you po :)

abang lang po kayo ng next update :)

thank you again and stay safe :)





















IT MIGHT BE YOU  ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon