Chapter 19

81 4 0
                                    


Maaga umalis si eugene dahil meron siya importanteng meeting.  Kaya sina wally at paolo ang nagbantay muna kay jose. 

Nagising si jose at naramdaman niya na wala na siya katabi.  Tinignan nya ang buong kwarto at hinanap si uge.  Bigla naman bumukas ang pinto napangiti siya akala niya si uge ang makikita niya.

"Goodmorning jose gising ka na pala" bungad ni wally ng kapapasok lang

" bakit kayo ang andito,  asan si uge? "

"Maaga umalis si ate uge may meeting daw siya kaya kami muna ang magaasikaso sayo" sagot naman ni paolo. 

" ah ganun ba"

"Eto naman,  babalik din naman daw siya mamaya after meeting niya kaya wag ka na malungkot dyan, "

"Hindi naman, akala ko kasi siya nakikita ko pagising ko,  hindi pala imbes na gumanda araw ko bigla pumangit ng makita ko kayo" pang aasar niya sa dalawa at inirapan niya ang mga ito. 

" buti pa nga pumayag kami na samahan ka dito eh, tara na nga pao alis na tayo" kunyari  aalis na ng bigla sila hagisan ng unan ni jose, 

" aarte niyo, ano ba mga dala niyo nagugutom na ako" 

hinanda naman na nila wally ang dala nila pagkain. bilin kasi ni eugene na dalhan nila si jose ng pagkain.  

Habang kumakain silang tatlo ay bigla may kumatok.

" pao, buksan mo ang pinto" utos sa kanya ni wally

" bat hindi na lang ikaw ang magbukas ikaw naman ang malapit sa pintuan?" pilosopong sabi niya at sabay subo ng pagkain

" ikaw kaya ang malapit dyan, ako pa utusan mo?"

" eh kumakain ako eh"

nairita naman si jose sa bangayan nun dalawa.

" ako na lang magbubukas nakakahiya naman sa inyo" inis na sabi ni jose tatayo na sana siya ng pigilan siya ni paolo.

" ako na magbubukas hmp!" inis na sabi din ni paolo at tumayo na

" kaimbyerna naman sino naman kaya ang bibisita ng ganitong kaaga" bulong niya. Pagkabukas niya ng pinto ay nagulat siya sa nakita niya at bigla ulit ito sinara, napalakas ang sara niya sa pintuan kaya napatingin sina wally at jose sa kanya.

" hoy paolo, sino ba yon bakit di mo pinapasok sinaraduan mo pa ng pinto" tanong sa kanya ni jose.

Hindi naman makasagot agad si paolo. Nakatingin naman sa kanya sina wally at jose

" hoy pao sino yon bat di mo pinapasok?" muling tanong sa kanya ni wally

" ah eh ano kasi si ..." nauutal niya sinabi.

Tumayo naman si wally at lumapit na sa may pintuan.

"umalis ka nga dyan ako na magbubukas"

Pero nakatayo lang si paolo at ayaw umalis sa at umiiling ito.

" aalis ka dyan o tatadyakan kita? " panakot ni wally

Kaya naman kahit ayaw niya eh napilitan siya na umalis. Binuksan ni wally ang pinto at nagulat din siya sa nakita niya.

" hi kuya wally"

Nagulat si wally sa kanyang nakita kaya naman lumabas muna siya.

" a-anong ginagawa mo dito?"

" dadalawin ko lang sana si jose, gising na ba siya?"

" ah eh oo" 

--

Nagtaka naman si jose bakit lumabas si wally, habang si paolo naman tahimik lang.

" huy pao," pagtawag niya, pero hindi siya pinapansin

"paolo, hoy" pagtawag niya ulit kaya naman binato na niya ito ng unan. At nasapol sa mukha si paolo.

"aray naman sa mukha talaga tumama" inis na sabi niya

" kanina pa kasi kita tinatawag nakatulala ka naman dyan, sino ba kasi yong kumakatok kanina bakit hindi niyo man lang pinapasok kung bisita man yon?"

" ah eh wala yon nagklamali lang ng kinatok na room" palusot niya. Ang totoo kinakabahan siya.

" eh bakit lumabas si wally, ?" curious niya tanong . sasagot na sana si paolo ng pumasok si wally na may kasama. at nagulat siya sa kanyang nakitang kasama ni wally.

----- 

tinatawagan ni eugene sina wally at paolo , pareho sila di niya macontact. kaya nagtaka siya. napansin naman siya ni boobay. 

" ate uge ok ka lang ba?" 

Hindi naman agad napansin ni uge si boobay.  Dahil trinytry niya ulit tawagan sina wally

"Ate uge"pagtawag niya ulit at tinapik na siya ni boobay. nagulat naman siya at napatingin kay boobay. 

" ay anpo ba yan boobay nagulat naman ako sayo" 

"kanina pa kasi kita tinatawag ate, sino ba yang tinatwagan mo at parang kanina ka pa di mapakali dyan?" 

"kanina ko pa kasi tinatawagn sina wally at paolo. kaso di sila makontak nagaalala nga ako baka ano na nanyari?" nagaalala niyang sabi 

" baka naman mahina signal kaya hindi mo sila makontak"  

" malakas ang signal sa hospital, parang nga bigla ako kinabahan eh" 

" alam mo ate , napapraning ka lang malay mo may inaasikaso lang eh diba ngayon ang labas ni kuya jose sa hospital?" 

napaisip naman si uge sa sinabi ni boobay

" kaya wag ka na mapraning dyan" dagdag na sabi nito

" di naman ako praning eh, nagaalala lang, ah may gagawin ka ba after ng meeting?" 

" wala naman ate bakit?"
" pwede mo ba ako samahan mamaya sa hospital?" 

" cge ba ate ikaw pa ba" 

after ng meeting nila eugene. ay nagpaalam na agad sila ni boobay.  hindi na siya mapakali at kinakabahan siya napansin naman yon ni boobay. 

" ate uge relax ka lang,  wala naman siguro nanyayari doon " 

" hindi ko alam boobay basta pag ganito pakiramdam ko parang may kakaiba eh" 

hindi na lang kumibo si boobay at sinamahan na lang niya si uge. dumating na din ang driver niya at agad sila umalis, tinatawagan pa rin ni uge sina wally pero hindi pa rin sila sumasagot hangang sa nakarating na sila sa hospital.  

"ok ka na ba ate uge?" tanong sa kanya ni boobay

"medyo" tipid niyang sagot. 

malapit na sila sa kwarto ni jose ng makarinig sila ng nagtatawanan , binuksan ni boobay ang pinto at nagulat sila sa kanilang nakita. 

------

holla after a long time nakapag update na din :)  bawi ko na din sa matagal na di pag UUD hehe.. since ecq pa rin baka lagi na ako magupdate pasulpot sulpot na update hehe :)

sana may magbabasa pa din po:)  ingats kayo guys 

wait for my next update :) 





IT MIGHT BE YOU  ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon