Chapter 14

278 6 5
                                    



Jose POV

Nagising ako at puting liwanag agad ang nakita ko. Nasaan ako ano nangyari patay na ba ako? Bakit puro puti nakikita ko. Napansin ko naman may nakatayo sa gilid ko di ko pa maaninang masyado. Narinig ko yon nagsalita.

" ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?",tanong niya boses palang kilala ko na kung sino ang mga ito

"Nasaan ako? "Sino kayo?" Ano nangyari patay na ba ako?",tanong ko. Narinig ko naman na tumawa yong isa. At tumingin lang ako sa kanila.

" teka ikaw ba si san pedro?"tanong ko kay wally. Nagkunot naman noo niya at nagtaas ng kilay natawa naman ako pero pinigilan ko haha.
" kalbo ka na pala siguro sobrang stress mo na sa langit kaya nakalbo ka na noh ?" sabi ko
Si paolo naman humgalpak ng tawa at nakahawak pa ng tiyan. Si wally naman inis na inis na...

"Ou nakalbo na ako at sobra na nastress dahil sa nangyari sayo naku kung wala ka lang dyan sa kama na yan kanina pa kita sinapak",inis naman na sabi ni wally.

" grabe kuya jose ha havey din yong joke mo hahaha" sabat ni paolo at tumatawa pa rin na parang timang

"Magtigil ka paolo ha, at ikaw naman ariel manalo nagkaganyan ka na nga nakuha mo pang magbiro. Ang tigas talaga ng ulo mo sinabi na nga namin na magpahinga ka na lang ano tuloi ang nangyari sa hospital din bagsak mo!" sermon sa akin ni tatay wally

"Atleast sa hospital at hindi sa morgue" pagbibiro ko.
Hinampas naman ako ni wally.

" aray naman! ano ba sabi ng doctor?,at ano ba nanyare? pwede na daw ba ako umuwi ayoko na dito"

" over fatigue at sobra. stress, mataas din lagnat mo kaya sabi ng doctor imomonitor ka pa daw kaya magstay ka pa dito at hangang sa gumaling ka, at ano nanyare nahimatay ka lang naman habang nagshoshow tayo "

"Ha?talaga nakakahiya yon gumawa ako eksena! Tska bakit bukas pa? Ayoko na dito sa bahay na lang ako at dun makakapagpahinga ako ng maayos" sabi ko naman.

Hay ayoko talaga sa magstay dito sa hospital para naman ako may malubhang sakit. Gusto ko na umuwi.

"Malamang ang tigas kasi ng ulo mo sabi na kasi magpahinga ka na lang eh. Yon ang sabi ng doctor na dumito ka na muna habang di ka pa okey kaya pwede ba huwag ka na makulit dyan!"

Nag nod na lang ako. May magagawa pa ba ako baka pag umagal pa ako eh sapakin na ako ng isa dito.

*toktok"

"Pao buksan mo nga ung pinto" utos ni wally

" ikaw na lang busy ako dito eh" sagot naman ni paolo na busy nga sa kanyang cellphone

"Aba ako pa inutusan buksan mo na nga kasi" sigaw ni kalbo

" hay ano ba yan"inis na sabi ni paolo at agad tumayo at binuksan ang pinto. Pagbukas niya agad naman bumungad sina alden at maine.

" kayo lang pala, sana pumasok na lang kayo"sabi ni pao at umupo na sa sofa

"Sungit nito meron ka ba ngayon" sabi naman ni maine. Inirapan lang siya ni paolo.

"Kamusta ka kuya jose, pinagalala mo kami kanina" tanong sa akin ni alden.

"Eto ayos naman na gusto ko na nga umuwi eh" sagot ko naman

"Ano ba sabi ng nga doctor? Alam mo kuya jose grabe kaya nagalala sila bossing sayo sa studio kanina" -alden

"Ou nga kuya, sabi ni bossing balitaan na lang namin siya kung ano na balita sayo"-maine

Buti pa sila inaalala ako si uge kaya nalaman na kaya niya yong nanyare sa akin.

" tinawagan ko na pala si nanay aning sinabi ko nanyare sayo, nasa cebu pala siya nagalala nga sabi ko ok ka na huwag na siya magalala at ok na ang kanyang pasaway na anak " sabi naman ni wally.

"May dala pala kaming mga prutas para sayo, kuya jose. Alden kunin mo nga" utos ni maine.

Agad naman sumunod si alden at lumabas. Pag balik niya may dala siya isang supot na prutas pero may isa pang plastic siyang dala.

"Ano ba yan mga dala niyo mukhang ang dami.naman ata. " tanong ko.

Binuksan naman ni alden yong plastic at nilabas ang mga laman.

"Heto oh may mansanas, orange, ubas, eto alam ko paborito mo" sabi ni maine at kinuha ito

"Ano yan?",

"Rambutan di lang yan may lansones pa at ang pinaka masarap na prutas na binili ko alam mo kung ano yon?"

"Ano?"

Kinuha niya yong plastic at kinuha yong nasa loob. Bigla naman ako napasimangot sa nakita ko

"Tadaaaaaa Langka" sabay nila sabi ni alden. Tumawa naman yong dalawa. At binato ko sila ng unan.

" mga sira ulo kayo nanadya ata kayo eh di ko naman paborito yan eh sino ba nagsabi sa inyo ha" tanong ko

Tumahimik naman yong dalawa. Habang kunyari nag busy busihan sina wally at paolo. Mukhang alam ko na kung sino hay mga loko loko talaga.

Nagtagal silang apat dito nagkwentuhan at nagtawanan yan ang ginawa namin para di boring. Sinabi na din ng doctor na kailagan pa nila ako imonitor at bukas pa uuwi.

"Pahinga ka na muna jose, kami ni paolo muna magbabantay sayo" -wally

"Naku huwag na alam ko pagod na din naman kayo eh, kaya ko naman ba tska may mga nurse naman na mag babantay sa akin nakaabala pa ako sa inyo" sabi ko naman.

Masyado ko na sila naabala. Hay nakakahiya na alam ko naman pagod itong mga toh imbes na magpahinga mas pinili nila na bantayan ako nakakatouch naman 😂😂

"Ano ka ba, ok lang yon para namonitor ka din namin alam ko kasi dimo iinumin mga gamot mo kaya huwag ka na umangal"

"May magagawa pa ba ako hay!" sambit ko.

kamusta na pala si uge di ko pa pala siya naitext ngaun araw nalaman na kaya niya nanyare sa akin. Nagalala kaya siya?. Ano ba naman jose malamang magaalala yon baka nga magalit pa. matanong ko nga si wally kung nagtxt sa kanya si uge. Pero baka kantyawan ako ng mga ito eh bahala na nga.

"Wally" pagtawag ko sa kanya, agad naman siya lumingon at lumapit sa akin.

"Bakit? May masakit ba sayo?" tanong niya.

"Ah eh ano kasi-" paano ba ito parang umurong dila ko eh

" hoy ano ba yon?" tanong niya ulit. Sasabihin ko na sana pero bigla nagring yon phone ni wally

" saglit lang brad sagutin ko lang" sabi niya at lumabas.

Hay bukas ko na lang tanugin. Nagpaalam muna ako sa tatlo na matutulog muna ako. Medyo sumakit ulo ko. Kaya magpapahinga muna ako!!!" 😀

-------
Sabaw na update hehehe 😂😂😂.
Bawi ako sa susunod na UD.

Im sure matutuwa kayo hehehe 😂😂

❤AYAAAAA❤😂😂

IT MIGHT BE YOU  ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon