Ulan

151 8 1
                                    

Gusto ko ang ulan
Naaaliw ako sa takatak nito sa aming bubongan
Kasunod nito ang malamyos na simoy ng hangin
Na humahaplos sa aking kaibuturan

Ngunit sabay sa pagkagusto ko dito
Ay ang mga bagay bagay na ayoko
Mga ala-ala ng nakalipas
Na ibinaon ngunit pilit umaalpas

Ayoko sa ulan
Dahil kasunod nito ay bagyo
Bagyo na lumiliyo sa daigdig ko

Ayoko sa ulan
Dahil kasunod nito ay kadiliman
Kung saan mag-isa akong nangangapa sa karimlan

Ayoko sa ulan
Dahil kasunod into ang baha
Pilit inaagos ang aking kainosentehan

Ayoko sa ulan
Dahil kasunod nito ay katahimikan
Nakakabinging katahimikan

Ayoko na sa ulan
Masakit pala sa pakiramdam
Ayoko na sa ulan
Lalo na at mag-isa sa kahungkangan

©darkaleish
All Rights Reserved 2017

Tinta At LuhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon