Kapag handa na ako

52 6 0
                                    

Kapag Handa na Ako

Tumayo ka,
wag mo akong luhuran
hindi ako santo,
alam mo yan.

tumigil ka,
wag kang umiyak na parang ikaw ang mas nasaktan,
wag kang tumangis na parang ikaw ang mas nawalan.

alam mo,
alam mo ang totoo,
na ako ang mas nadurog,
na ako ang nagkandapira-piraso
at hanggang ngayon hindi pa mabuo-buo.

kasalanan mo,
wag kang magmalaki
wag mong ipagyabang ang mayroon ka ngayon
dahil hindi nito matatapatan ang mga dinanas ko

hindi pa,
hindi pa sa ngayon, maski bukas o sa susunod
wala ka pang aasahan,
dahil poot lang ang maibibigay ko pag nagkataon

kung sana,
sana noon ka bumalik
baka sakali, baka sakali pang yakapin kita ng mahigpit at patawarin ng walang hinanakit

noon, noong inosente pa at walang muwang,
noong hindi pa nababahiran ng pagkasuklam o pagkamuhi

oo, tama ka
makasarili ako, di ko iniisip kung ano ang saloobin mo
kung bakit,
bakit ginusto mong lumayo
kung bakit iniwan mo ako

ngunit ako,
naisip mo rin ba noon?
naisip mo ba ang damdamin ko ng talikuran at iwan ako?

sige,
sige sabihin nating wala kang pagpipilian,
na iyon ang tama noong oras na iyon
na iyon ang makakabuti sa lahat
na tama ka at mali silang lahat

pero wag muna,
wag muna sa ngayon,
hindi pa,
hindi ko pa kaya ulit,
na maging ina ka at maging anak mo
wag muna sa ngayon, o  bukas
pero siguro sa susunod......
Kapag handa na ako

©darkaleish

Tinta At LuhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon