Nay, Bakit?

45 5 0
                                    

Dalawang guhit na pula
Pighati ang dala
Itinago ngunit lumobo
Pagsusuka ay di mahapo

Isang pagkakamali
Libo ang konsekwensa
Takot ang lumukob
Kainosentehan ay natapos

Pagkakamali na nasundan
Hanggang sa hindi matigilan
Parang droga,
Adiksyon ang dala

Ngunit nay, bakit?
Diba't kayo ang may gawa?
Ngunit sa akin ang parusa
Biktima pero dinusa

Ngunit nay, bakit?
Hindi ako binigyan ng laya
Liwanag ay di na nakita
Dahil pinutol agad ang hininga

Tinta At LuhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon