Huling Sulyap

43 4 1
                                    

Pangako, ito na ang huli

Huling sulyap  

Huling balik-tanaw

Ito na talaga ang huli

Alaala natin ay kakalimutan

Pilit ibababon ang nakaraan

Kung sana sapat ang lahat

Kung sana pag-ibig pa ay wagas

Naalala mo, nangako tayo

Kung mayroon mang bibitaw

Isa sa atin ang kumapit

Hayaang lumaban sa huli

Ikaw ang unang bumitaw

Nakalimutan ang saya

Pag-ibig unti-unting nabura

Pagtingin ay ibinaling sa iba

Sabi ko, sige laban pa

Dahil nangako ka, ganon din ako

Laban pa kahit nakakahapo

Laban pa, hangga't mahal pa kita

Sadya yatang hindi sapat ang aking lakas

Di ko nakayang kumapit ng matagal

Sinubukan ngunit nagkulang

Hanggang nagging manhid na lamang.

Kaya ngayon, mangangakong muli

Pag-ibig nati'y may hangganan din

Huling sulyap,

Huling balik-tanaw

Huling bitaw.

©darkaleish

Tinta At LuhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon