Mahal?

100 6 0
                                    

Mahal, mahal mo pa ba ako?
Mga katagang kinatatakutan kong sambitin
Dahil ramdam ko magiging masakit ang sagot mo
Ngunit mahal, ako pa ba ay mahal mo?

Naaalala mo pa ba nung nginitian mo ako?
Kinilig ako ngunit di kumibo
Nung sabihin mong mahal mo ako
Tumibok ng mabilis ang puso ko.

Mabilis na lumipas ang panahon
Puno ng walang humpay na kasiyahan
Mga puso nati'y nagsumpaan
Pagmamahalang walang katapusan

Ngunit, mahal ginagabi ka na naman
Ang sabi mo marami ka lang inaalala
Di ako umimik, di ako kumibo
Mahal, natatakot ako...

Takot akong marinig mula sa iyong bibig
Na wala na akong puwang sa iyong dibdib
Takot akong malaman kahit ramdam ko
Na may iba ka nang kasumpaan sa puso mo

Mahal, paano ako?
Kaya ko bang wala ka sa tabi ko
Dahil unti-unti ka ng lumalayo
Ramdam ko mahal ang pagbabago at panlalamig mo.

Ngayon, handa na ba ako?
Handa na ba akong bigkasin ang kinatatakutan ko?
Mahal, may tanong ako sa iyo
Mahal, ako pa ba ay mahal mo?

©darkaleish
All Rights Reserved 2017

Tinta At LuhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon