Lipstik na pula, asul na bestida
Araw araw yan ang iyong wangis
Gabi gabi ang iyong hinagpis
Iba't ibang tao sa iyo ay nagpapakasasa
Ngunit paano ka nga ba lalaban?
Kung kapwa kalahi sayo umaalipusta
Ibinebenta ka na parang puta
Higit pa sa isang Magda
Pakpak mo ay tuluyan nang sinira
Kalayaan nga bang maituturing?
Kung may tali ang bawat hinaing?
Gumising ka, Pilipinas
Isuot ang bestidang pula
Baka umayon pa sa'yo ang tadhana©darkaleish