Mahal kita, mahal mo ako. Bakit nga ba hindi tayo?
Nagkakilala tayo sa panahong kapwa tayo nakatali na
Ikaw, sa nakaraan, habang karay karay naman ako ng kinabukasan
Sa puntong iyon, nagpasya tayong wag ng sumubok pa
Saka na, kapag tayo ay malaya na.Sinikap mong lumayo sa iyong nakalipas
Tumuntong at nakibagay sa kasalukuyan
Pilit nilimot ang mga bagay bagay
Hinanda ang sarili at bukas.Ako, sinubukan kong huminto
Binagalan ang takbo para mahabol mo
Naghintay sa pagdating no
Umasa sa pangakong dala mo.Sa tinagal ng paglalakbay
Napagod ka, at nainip naman ako
Pilit nating pinagtatagpo ang ating landas
Subalit mapaglaro ang langitBinilisan mo ang takbo,
Binagalan ko ang mga hakbang ko....
Sadya yatang wala ng pag-asa
Pag-ibig natin sa isa't isa.Nakakapagod,
Sa susunod na lamang mahal ko
Kapag sabay na tayong maglakad
Kapag sabay na ang daang tinatahak.