9th Chapter: I found you.

356 4 0
                                    

Malayo naman yung lalaki kaya ibinaling ko na lang yung atensyon ko sa phone ko. Basta nakita ko lang eh may proposal and yun lang. 

Habang naiiyak na natuwa ako saglit, bigla na lang ako tumingin sa phone ko kasi puro ganun na meron sa facebook., Mainstream na nga kasi.

Jusko, sasagutin din naman yan ng babae.

Habang naikot-ikot kami, hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa proposal. Lalong lumalapit kami sa lalake, hindi ko masyado napansin dahil nagbbrowse lang ng kung ano-ano sa phone ko para kumalma. Nililibang ko ang sarili ko sa ginawang tawag ni Athan kanina. Nabulabog ang buong pagkatao ko dahil pagkatapos ng ilang buwan, ngayon na lang ulit siya nagparamdam. Ano, gaguhan? Mushroom lang?

Tapos napasin ko yung Cheesecake sa Newsfeed ko. Nagcrave ako.

"Nat, gusto ko ng Cheesecake. Parang gusto ko ng Blueberry Cheesecake ngayon sa Starbucks.."

"Hmmmm pero feel ko magshopping ngayon."

"Nat, ano bang drinks bibilhin natin? Parang gusto ko na lang ng Milk Tea eh. Chatime na lang tayo, Ano?"

"Hoy Nat!"

"Nat Poknat?!"

Mukha akong tanga. Salita ako ng salita nang para bang wala akong kausap eh. People may think I'm crazy. 

Tumigil ako sa pagharap ko sa phone ko at hinarap si Natalie.

"Hoy, Natalie, ano nangyari sa'yo?" 

Yun pala eh, Tulala na 'to si Natalie mula nung nakita nya yung proposal ng lalake sa mall. Ang sarap batukan kasi hindi nagsasalita. Naka-nganga lang na para bang hindi mo maintindihan kung nakakita ba ng multo o ano.

"Sh..Sh..Sh..Sha!!!!!" 

Nagsisisigaw ito na para bang sakanya yung proposal ng Lalaki. Kahit kailan talaga feeler to. 

"Oh ano ba nangyari sayo?.."

"Sha tignan mo!!!"

Pagkatingin ko sa Lalaki na magppropose..

Nagulat ako sa kawalan.

Bigla akong napatigil sa kinatatayuan ko.

Hindi gumagalaw.

Hindi makapagsalita.

Mga ilang minuto akong tuliro at nakatitig sa nakita ko.

Dahil andun si Athan. 

Oo, si Athan na bestfriend ko. Si Athan na minahal ko na ng ilang taon. Si Athan na iniwan ako bigla sa ere ng halos kalahating taon dahil hindi ko alam kung bakit. Si Athan na malaking pinagbago. Si Athan, Si Athan na mahilig mang-iwan. 

Pero dahil mahal ko, binabalik-balikan ko. 

Tsaka, best friends nga kami diba? Walang iwanan?

Sa totoo lang, kapag minsan gusto ko nang sumuko sa friendship namin ni Athan, lagi ko lang naiisip na Wala nga kaming iwanan dahil Best Friends nga kami.

Atsaka, Ganun naman talaga diba? Pag mahal natin, kahit anong katangahan ang gawin natin, gagawin at gagawin pa rin natin ang mga bagay na masasaktan tayo dahil dun tayo nagiging masaya.

Naging tanga ako kay Athan ng ilang buwan, o taon?

Hindi ko na lubos na maisip. Dahil ang tanging alam ko lang ngayon eh nakatayo ako sa harap niya. 

Tapos ayun siya ngayon sa harap ko. May isang proposal na ginagawa. Para kanino kaya yung proposal na pakulo ni Athan? 

"Sha, gusto mo lapitan natin?" Pagbasag ni Natalie ng katahimikan.

"Ha?" Tanong ko habang lutang na lutang.

"Lapitan natin si Athan. Baka ikaw hinihintay niyan."

"Shunga ka ba? Ilang buwan ngang hindi nagparamdam tapos magppropose sakin?"

"Eh. Malay mo."

"Ayoko maging feeler, Nat."

"Osige, maghintay nalang tayo dito. Baka may mag show-up na babae diyan."

"Osige. Maghintay na lang tayo, baka mapahiya pa tayo eh."

Tumayo at naghintay kami ni Natalie. Naghihintay ng mga kung ano pang pwede ang mangyari sa pauso ni Athan. Mga ilang minuto ang lumipas, may babae na lumapit na naka-blindfold na clueless kung ano nangyayari. Tapos may mga lalake siyang kasama na lumapit din, tila bang inaalalayan yung babae papalapit kay Athan.

Habang papalapit yung babae, mukhang excited si Athan. Halatang masaya siya sa ginagawa niya. Para bang namiss niya yung babae. Yung tingin ng isang bata na excited sa isang laruan dahil sabik na sabik itong makuha na ng matagal.

"Hi, Jeanne." 

Narinig ko yung pangalan ng babae. Sino si Jeanne? Bakit namiss daw niya?

Wala akong alam. Ano ba sila?

Sabagay. Sa hinaba nga naman ng panahon na hindi kami magkausap ni Athan, ano pa bang malalaman ko bukod sa buhay siya? Ayun lang naman ang tanging alam ko dahil hindi na niya ko kinakausap ng matagal. Bestfriend ko nga siya, pero hindi naman ako creep na magsstalk sa facebook, instagram, twitter at snapchat niya. I know my limits.

Pero ngayon, ayan na siya. 

Nakita ko na siya ulit. Hindi ko na ulit kailangan malaman kung kamusta na siya.

Mukhang okay naman siya eh.

"HOY IMPOKRITO KA ATHAN! BINUNTIS MO KO! TUMIGIL KA SA KALOKOHAN MONG YAN!"

May sumigaw sa tabi ko. Tapos lahat ng tao nagulantang dahil sa sigaw at sinabi ng babae. 

Jusko po! Si Natalie na pala yun!!!!!

CODE RED!!!!!!!

"Takbo." Utos ni Natalie. 



Hi, Andito lang ako. (Tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon