3rd Chapter: Mutual Feelings.

1.2K 13 0
                                    

"Sha, wag kang mawawala sa tabi ko ha."

Not sure if he really needs me sometimes or just Friendzone.

Siguro, ganun din naman yata ako kay athan, hindi ko rin makakayanan kung mawawala siya sa tabi ko. Lalo na siguro yung mga oras na kailangang kailangan ko ng isang kaibigan para makinig sakin. 

Minsan, pumapasok sa isip ko... "papano kaya kung kami din ni athan sa huli?" 

Seryoso. Hindi ako makatulog pag lagi kong iniisip yun, kasi malaki ang chance. Pero ayoko lang bigyan ng malisya yung friendship namin kasi ang hirap i-build nun tapos masisira lang pag naging kami. Parang ang akward lang talaga tignan. 

Bakit pumasok sa isip ko yun? Mahilig kasi magbiro si athan. Banatero yan ng school namin, yung tipong halos kalahati ng campus namin, nabibigyan niya ng sweet lines. Friends man o strangers. Ganun kalupit ang kakapalan ng mukha ng bestfriend ko.

One time kasi pumunta kami ng tagaytay.

"sha, tara zipline tayo!" sabi niya sakin ng pasigaw.

"ha? hala takot ako sa heights." sabi ko.

"yaan mo na, andito naman ako eh." sabi niya. tapos biglang kinuha kamay ko.

First of all, nagulat ako. Second, biglang bumilis tibok ng puso ko then Lastly, ngayon lang niya hinawakan kamay ko ng biglaan, magpapaalam muna kasi yan. Medyo conservative pa ang lola mo. Dalagang Pilipina epek epek.

After ng araw na yun, hindi nako makatulog ng matino.

Lagi na kaming magkatext, hanggang 3am. Walang sawang usapan tungkol san san. Dun sa kabayo na color pink sa Baguio, yung sobrang PDA na mag fiancee sa Paris at yung lasing na mayaman dun sa Las Vegas. Walang sawa naming pinaguusapan at pinagtatawanan ang lahat ng yun.

Hanggang sa naopen na yung topic na..

"papano kung magiging tayo, sha?"

Napatigil ang mundo ko. Sobra akong natulala sa tanong niya. Hindi ko alam kung joke ba o hindi, syempre. Malay mo nanttrip lang, lalaki yan eh, kung ano gusto niyan gagawin niyan para ma-fall ka sakanila, tapos iiwan ka. Taray, man hater ang peg.

Teka papano naman reply ko. Alam nyo kung ano?

"ha? kalokohan yun. tulog na tayo, antok ka lang. pagod lang yan athan."

Wala, parang tanga lang talaga. Well hindi naman wasted time yun kasi magkatabi lang kami ng bahay and anytime, pwede namin maging topic yun. Reply naman niya?

"ouch naman. seryosong tanong yun, sige goodnight na nga. love you sha! :*"

Eh lasing yata to eh? Oo nag i-iloveyou siya pero yung ganung tanong, seryoso yun? Hmp. Natatawa naman ako dito kay athan. Hindi nagtatanong yun ng ganun sakin, tsaka napakadaming babae pa sa earth. Andaming Humanoids dyan na babae. Ako pa? What the.

Okay hindi nako masyadong naka move on. 

Hindi ako kinilig. Nagulantang ako.  

Hi, Andito lang ako. (Tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon