Marami na ring beses ako umibig, pero hindi lalagpas sa bilang ng mga daliri mo sa kamay.
At lahat ng yun ay nakilala at nasubaybayan ni athan. Hinding-hindi ko makalimutan yung sobra siyang nagselos sa isa kong ex. Magkaaway kasi sila nun since Grade schoolers palang kami, hindi ko alam, hinding hindi sila magkasundo ng ex ko na yun. Mabait naman.
Madaming nagsasabi na nagseselos lang daw si athan pero hindi ko nalang pinapansin kasi mahal ko talaga yung present boyfriend ko nun. Grabe, kung gaano nagtagal ang relationship namin ng ex ko, ganun yung mga panahong hindi kami talaga nagpapansinan ni athan. Isang GM, isang miss call, isang PM , isang tweet at kahit isang "Hi" wala akong natanggap mula sakanya. Binalaan na kasi niya akong wag makikipagrelasyon sa lalaking yun dahil ampangit pangit daw ng ugali.
Which is totoo nga, iniwan ako nung ex kong yun ng walang paalam. Ewan ko nga kung kami pa eh, pero after 2 days, may bago nang ka in-a-relationship sa facebook. Oha, galing galing ni kuya.
Sobra akong nasaktan, isa't kalahating buwan akong nag move on. Lagi niya akong pinapagalitan pag nagddrama ako tungkol sa ex kong yun, minsan nga may murang malupit pang kasama eh. Tanga tanga ko daw.
Well wala akong magagawa eh. Minahal ko, nafall ako. Ganun talaga, gravity eh.
Natuwa ako nung sinamahan ako ni athan na magliwaliw at magsaya, dun ko nakita kung gaano niya ako kamahal as a bestfriend at alam kong wala nang hihigit dun. Sa OPLAN: "Move on" ko, Nagpunta kami sa Davao, Bohol, Cebu, Hong Kong, Singapore, Subic, Baguio, Paris at sa LA. Lahat, treat niya yun. Maging masaya lang ako. So far, yung Happiness Project niya ay Successful naman =)
Pag uwi namin, akala ni mommy, engaged na kami ni athan. Grabe talaga si mommy.
Nung pagpunta namin sa Paris, sinabi ko sakanya na gusto ko pag may mag p-propose sakin na lalaki gusto ko sa harap ng eiffel tower,. para sobrang romantic at sobrang memorable.
"Hayaan mo, dadalhin kita dito ulit. Ako na yung magppropose sayo" banat niya.
"Sira, dun ka magppropose kay Kat, diba?" sabi ko.
"Hmp. Wag mo na paalala yun, pakalandi nun eh! Daig pa yung askal na pakalat kalat sa kanto." bitter niyang sagot.
Galit siya kay kat dahil pinagpalit siya sa tropa niyang lalaki. How sad diba.
Well, God knows. Hintay nalang tayo sa mga next na mangyayari. =)
BINABASA MO ANG
Hi, Andito lang ako. (Tagalog story)
RomanceAthan and Sha will find out what their friendship is all about. Should they give up their friendship and go for what they feel? Or should they think and consider their friendship and forget about their feelings? Find out.