12th Chapter: Frustrated.

238 1 0
                                    

12th Chapter - Frustrated.

"Oo."

Hindi ko alam kung gaano katagal nakatayo si Japhet doon o ano man ang narining niya sa usapan namin ni Athan sa Kaffebar, nagulat kami ni Athan dahil hindi namin inaakala na makikita kami ni Japhet doon. Hindi kaya sinusundan niya ako? Hindi ko alam, ayoko maging tamang hinala. Gusto ko mang isipin na guni-guni ko lang ang lahat, imposible dahil andito yung dalawang lalake na alam kong nagmamahal sakin. Si Athan na best friend ko at si Japhet na gustong manligaw sakin.

Tumayo ako. Maipipinta sa mukha ko na nagulat ako sa nakita ko.

"...Japhet, ano ginagawa mo dito?"

"Isha diba may usapan tayo?"

"...ah.. Yun.. kase... ano..."

"Oo, naiintindihan ko." Malamig niyang sabi.

"Japhet..."

Wala na siyang sinabi pa pero bigla na lang siyang umalis na alam kong may galit at inis sa puso niya dahil makikita mo naman sa mukha niya, tumayo ako at gusto ko siyang habulin at magsorry kaso..

"Isha, wag." Hinawakan ni Athan ang kamay ko at pinigilan niya ko.

"Athan ano bang problema mo?!"

"Hindi mo naiintindihan."

"Pucha papano ko ba maiintindihan eh hindi mo nga sinasabi sakin! Eh ano naman kung ginawa niya yun kay Lia? Sa tingin mo ba gagawin sakin ni Japhet yun? Athan malaki na ko, alam ko na ginagawa ko, pwede bang lubayan mo ko at hayaan mong gawin ko 'to?" Pagpipilit kong tumiwalag sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Isha, pinoprotektahan lang kita! Makinig ka naman!" Pasigaw na sabi ni Athan.

Natigil ako sa pagtataas ng boses niya at alam kong galit na galit siya, hindi ko inaakalang masisigawan ako ni Athan. Napaupo ako, gulantang.

"Halika, umuwi na tayo." Pagyayaya sakin ni Athan.

(beep)

"Masama pa rin loob ko dahil mas pinili mong sumama kay Athan."

"Mas nagtitiwala ako sakanya."

"Isha, kung ano man ang nasabi sayo ni Athan, yun yung dating Japhet. People change. Hindi ka ba naniniwala sa kasabihan na yun?"

"Madali lang yan sabihin, pero mahirap gawin. It will take time."

"I know, 14 pa lang tayo noon and 3 years ago na yun, ano pa bang change ang gusto mo?"

"Pero bakit mo nagawa yun kay Lia? She's like my sister!"

"Hindi ko talaga siya minahal, kasi ikaw ang mahal ko."

Hindi ko na siya nireplyan, nasa sasakyan kami ni Athan. Nanlumo ako sa huling text sakin ni Japhet, hindi na ko nakakibo dahil hindi ko alam ano sasabihin ko sakanya.

"Huy okay ka lang Isha?" sabi ni Athan.

"Ah, oo may nakita lang ako sa Facebook na aso na namatay. Kawawa naman yung aso."

"Tigilan mo 'ko, hindi ka mahilig sa aso."

"Kahit na, Pet pa rin sila! Dapat minamahal sila, hindi ganon."

"Sus, isa nga lang aso niyo sa bahay, mahilig ka sa reptiles. Ilan na gecko mo sa bahay ha?"

"Five na sila, alam mo ba, ang cute cute ng bago kong nabili. Pinangalan ko siyang Tantan"

"Aba, kailan pa ko naging gecko ha?"

Tawa na lang kami ng tawa dahil hindi kami matigil sa asaran. Namiss ko 'to, yung tawanan at walang sawang asaran, yung tipong walang halong problema ang pinag uusapan namin, dahil napapansin ko habang natanda kami, puro na lang problema ang pinag-uusapan namin ni Athan. Namiss ko yung dating kami, ganito. Masaya, walang halong malisya at walang problema.

Hi, Andito lang ako. (Tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon