Baliw na yata ako. Unang beses nangyari sakin 'to. Isa na siguro ako dun sa mga taong ang laki ng pagbabago pagkatapos magmahal. Hindi ko alam pero tama siguro sila, nabaliw nako dahil sa pag-ibig.
Ayoko nang umasa sa wala, lahat ng kalokohan at kasinungalingan. Lahat, tungkol sa pag-ibig.
Mahigit isang taon nakong ganito. Balisa, at siguro wala nang kwenta sa paningin ng iba. Pero ang talagang alam ko lang eh tulala nako at gulong gulo. Namamayat na din daw ako dahil sa irregular na pagkain at hindi pagtulog ng tama.
Ang laki ng epekto sakin ng pag-ibig.
Normal naman ako sa school. Kinausap ako ng bestfriend kong si Natalie, nabasa niya kasi yung depression sa mukha ko.
"sha, okay ka lang?" sabi ni natalie.
"oo." sabi ko.
Bigla akong niyakap ni natalie at sinabing, "Sha, hindi lang sya ang lalaki sa mundo. Hindi lang si Athan, tandaan mo. Marami pang lalaki diyan na pwede mong mahalin at pwede kang mahalin ng sobra sobra pa sa inaakala mo, hindi umiikot sakanya ang mundo mo at wag mo masyadong isipin yung gabing iyon na binalewala mo yung tanong niya sayo. Masama yan para sayo Isha, tignan mo, sobrang payat mo na. Yung iba nga hindi kana nakikilala. Umayos ka nga, pati pagkain mo pinapalipas mo. Wag ka magpakatanga, madami pang paraan. Mag move on kana, kasi hindi lang si Athan ang lalaki na dadaan sa buhay mo, College na tayo at wag ka mawalan ng pag-asang wala ka nang mahahanap pa. Gusto mo sampalin kita para magising kapa?"
"sige natalie, pasampal naman oh." sinabi ko ng matamlay.
Sinampal ako ni Natalie ng hardcore. Medyo nagising ako pero syempre hindi parin malilimutan ang sakit.
"ano okay kana?" sabi niya.
"medyo." sabi ko.
"Bahala ka sa buhay mo, isang taon ka na nagpapakatanga sa lalaking iyan, Tama na Isha. Tama na!" sabi ni natalie ng may galit.
"Osige. Sabagay, kelangan ko din mabuhay. Hindi lang naman talaga siya ang lalaki. Nag-aksaya ako ng isang taon para lang sakanya." sabi ko ng may pagsisisi.
"Eh sino bang nagsabi sayo na magpakatanga ka diyan sa dati mong Bestfriend?" sabi niya.
"Yung puso ko." sinabi ko.
"Yan ang mali sayo eh, sinunod mo puso mo. Dapat minsan pakinggan mo din ang utak mo. Tandaan mo, dapat minsan ginagamit din ang utak para hindi masaktan ang puso." sabi ni natalie.
"Oo nga pala, hindi ko naalala yun, nagpaka-tonta na naman ako. Salamat bestfriend." sabay alis ko.
Grabe ako prankahin ng bestfriend ko no? Pero yan ang takbuhan ko.
Pagkatapos akong sermunan ni natalie, malaki din ang impact sakin ng mga binitawan niyang mga salita. Tagos sa laman.
Parang, Okay na yata ako?
BINABASA MO ANG
Hi, Andito lang ako. (Tagalog story)
RomanceAthan and Sha will find out what their friendship is all about. Should they give up their friendship and go for what they feel? Or should they think and consider their friendship and forget about their feelings? Find out.