1st Chapter: Meet my Best Friend.

2.3K 26 0
                                    

Lahat ng tao nagkakaroon ng best friend, imposibleng wala. Kung wala man, siguro Friends meron parin sila kahit papano. No man is an Island, ika nga. 

May Best Friend ako, Lalaki nga lang siya. Nathan pangalan niya; Nathan Miguel Rodriguez-Santos, pwede nyong tawagin na Nate, Migz, Than atbp. Pero tawag ko dyan, Athan..  Ewan ko, sa dinami dami kong kaibigan dyan, kay athan lang talaga ako komportable sa lahat. Siguro dahil na rin sa tagal ng pinagsamahan namin at ng pamilya namin. 10 Years na kami mag bestfriend ni athan, lahat na ng sikreto namin mapa-personal o mapa-pamilya eh na-share na at napag usapan na namin.

Taong 1997 ang unang lipat nila dito sa Village. Dati, kami yung may pinaka-malaking bahay dito pero nung lumipat na sila, natalbugan at nasapawan kami. Pangalawa na tuloy kami. Noong una nga, medyo inggit si Mommy sakanila kasi gusto niyang lamangan yung bahay nila athan, pero unti unti rin silang nagkasundo. Isang taon ding nagkaroon ng inggit si mommy sakanila.

Nameet ko si athan noong 6 years old palang kami, nung nag-peace na ang mga mommy namin. Nagpapalitan na ng ulam lagi sila at minsan pa nga mga flower vase pa, masabi lang na may mabigay. Mga mapagbigay kasi mga mommy namin. Inutusan ako ni mommy na ihatid yung ulam sakanila at nandun si athan sa garden, naglalaro kasama yaya niya. 

Nung pagkaabot ko ng ulam, wala yaya niya. Inabot ko kay nathan. Sobrang sungit niya noon. Napaiyak pako kasi inaway niya ako. 

Nagsorry naman mommy niya at naging okay na din ang lahat.

Sabay kaming pumasok sa school nung Grade 1. Ako lang lagi niyang kasama kasi ako lang yung kakilala niya. Hanggang Grade 6, sabay kami grumaduate ng Elementary at hanggang ngayong High School, classmates parin kami. 10 years nadin kami magkaklase. Pero hindi ako nagsasawa.

Matalino si athan pero mas matalino ako. Nagpapatulong pa siya sakin magpagawa ng mga projects, kahit abutin kami ng umaga eh walang sawa parin kaming nagawa ng schoolworks.

Masayahin din siya, ayaw niyang naiyak ako. Nung una akong nainlove, tapos sinaktan din ako, pinasaya ako ni athan, umalis kami at nagliwaliw. Pero nung nagbreak sila ng first girlfriend niya, di siya umiyak. Instead, nag party pa kami. Ayaw niya daw kasi dun.

Swerte ko lang, may ganyan akong bestfriend. Ang laki ng reward na binigay sakin ni Lord. =)

Hi, Andito lang ako. (Tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon