Chapter 11: Revealed.
"Sha, gusto mo ba siya?"
"Oo nga, should I give him a shot?"
"Athan, hindi ko alam. Karapat-dapat ko ba siyang bigyan ng pag-asa?" Tanong ko sakanya.
"Hindi, hindi. Sha, huwag naman matigas ang ulo. Makinig ka na lang sakin ano ba!" Pasigaw niyang sambit.
"Ano ba kasing problema mo Athan?!"
"Sha, sasaktan ka lang niya. Kagaya ng ginawa niya kay Mitch, Kat at sa marami nating ka-batch na babae. "
"Ha?! Bakit? Anong ginawa niya kay Mitch?" Nagugulat ako. Anong hindi ko nalalaman na ginawa ni Japhet?
Si Mitch nga pala yung kaisa-isang babae na pinsan ni Athan. Hindi nila hahayaang masaktan ito dahil nag-iisa nilang prinsesa ito sa kanilang magpipinsan.
"Gusto mo bang malaman?!" Tinignan niya ako sa mata.
Seryoso na siya this time.
"Oo, sabihin mo. Gusto ko malaman kahit alam kong wala akong karapatan malaman ito." Kinakabahan na ako sa malalaman ko.
"Kailangan mo malaman para may idea ka na kung ano talaga yan si Japhet."
"Ngayon natatakot na ko, hah. Ano ba kasi yun?" Medyo kinakabahan na nga talaga ako sa sinasabi niya.
"Osige, makulit ka ah. Heto.. Naging si Japhet at Mitch noong 2nd year High School tayo. Ganito din ang nangyari, sinabi sakin ni Japhet na gusto na niya si Mitch noong bata pa kami at gustong-gusto daw niya si Mitch dahil maganda, mabait at matalino.. Lahat ng papuri sinabi na niya tungkol sa prinsesa ng pamilya namin."
"Oh tapos ano nangyari?" Pagtataka kong tanong.
"Nagpaalam sakin si Japhet noon, kung pwede daw ba niyang ligawan si Mitch. Siyempre, pumayag ako dahil akala ko seryoso siya at talagang mahal niya si Mitch. Pero, papayagan ko lang siya kung magpapaalam siya sa buong pamilya."
"Ha? Kahit sa mga pinsan mo at mga tito at tita mo?"
"Oo, pati doon sakanila siyempre. Alam mo naman angkan namin. Napakalaki." Sabay ngiti.
Hay, yung ngiti na yun.
"Tapos nakilala na nga siya ng lahat, nagpalakas sa lahat. Hanggang sa pumayag na ang lahat na ligawan niya si Mitch. Biruin mo, almost a year niya niligawan si Mitch at bawat family event nandun siya. Kaya in the end, napapayag na rin niya 'ko. Tapos nung pumayag na ako.."
"Oh ano nangyari?"
"Malamang, naging sila ni Mitch."
"Ha?! Parang hindi ko naman yata nalaman yan noon." Gulat na gulat ako sa narinig ko. Sikat na sikat si Mitch sa school dahil maganda siya, at halos lahat nasakanya na.
"Yun ay kasi hindi sila nagtagal."
"HA?! Ano nangyari?!" Hindi ko alam ano dapat sabihin.
"Bukas nalang, Sha. Pagod na 'ko. Uuwi na 'ko."
"Bwisit naman 'to oh, kahit kalian ka talaga." Nakakainis! Nabitin ako!
"Sige na ihahatid na kita." Sabi niya.
"Osige, baka nakalimutan mo na bahay namin!" Biro ko sakanya.
"Grabe naman 'to. Hindi ka lang kinausap ng ilang buwan, ano nakalimutan ko na rin pati bahay nyo?"
Hinatid ako ni Athan sa bahay noon at hindi na niya muli tinuloy yung kwento niya dahil tahimik lang siyang nag-drive papunta sa bahay namin. Pero, nakakatuwa dahil akala ko nakalimutan na niya bahay namin.
BINABASA MO ANG
Hi, Andito lang ako. (Tagalog story)
RomanceAthan and Sha will find out what their friendship is all about. Should they give up their friendship and go for what they feel? Or should they think and consider their friendship and forget about their feelings? Find out.