Ang hirap na ha. Ilang araw nakong tuliro at tulala. No regrets, wala eh. Kahit ulitin pa natin yung gabi na nagtanong siya at kung seryosohin ko yung tanong niya, siguro ganito din ang kababagsakan namin.
Syempre, kapag nagkasakitan, mahirap na ayusin or else depende parin samin yun.
Malapit na pala ang pasukan, bagong mukha, bagong pakikisama at bagong timpla ng mga ugali ang meron sa college. Kailangan ko ng malupit na adjustment.
Pero may isang bagay talaga ang hindi ako nakakapag-adjust.
Yun ay yung tungkol kay Athan.
Hindi parin siya nagtetext, natawag, nagttweet at nagP-PM sakin. Hindi ko alam kung nakalimutan na ba niyang may bestfriend siya.. yung andito ako, hindi man lang niya inisip na naghihintay ako sa text niya. Hmp. Nakakatampo. Nahihirapan nako kumain.
Ang arte diba, pero kasi yung feeling na alam mong kasama mo na siya lagi..,
Parang, Nakakamiss eh.
Sana bukas kumatok na siya sa pinto at maisipan nya sanang tawagan ako.
SANA TALAGA.
Hindi nako makakain ng matino, lagi nalang konti. Tulala sa kawalan at naghihintay ng text mula sakanya ang drama ko mula nung nawala siya. Hindi ko alam kung nandyan padin siya sakanila o sadyang tinataguan nya lang ako.
Ewan ko, Bakit siya iwas?
Imposibleng wala na sila ng pamilya niya diyan dahil nakikita ko lagi mga kapamilya niya pag umaalis.
Bahay > Church > YFC > Charity Works > Bahay nalang ang sistema ng buhay ko noong hindi na kami lagi magkasama.
Atleast nakakatulong ako kay God. Ayoko naman mag-madre. =D
BINABASA MO ANG
Hi, Andito lang ako. (Tagalog story)
RomansaAthan and Sha will find out what their friendship is all about. Should they give up their friendship and go for what they feel? Or should they think and consider their friendship and forget about their feelings? Find out.