Chapter 28

2.6K 49 0
                                    


Chapter 28

"Madz!" bulalas ko kay Madz habang kausap ko sya sa telepono

"Sue? Oh. Bakit?"

Pinunas ko ang luha sa mata ko pagkatapos ay umupo sa kama.

"Urgh! Madz, Nakakainis si Japeth!" utas ko

Tumahimik sya sandal. Suminghot ako pagkatapos ay shaka sya nagsalita.

"Anu bang sinabi sayo?"

"Ang sabi nya, tigilan ko daw ang pagkagusto ko kay Caleb, dahil hindi daw kami bagay dahil mahirap lang sya. Oh my God! Madz, Ang kitid nang utak nya!" angal ko

"Sue-"

"Madz, I like Caleb so much! I like him at naiinis ako kay Japeth dahil ganun ang paniniwala nya!" maktol ko.

Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya. "Sue, Alam mo naman Japeth is always been like that" Kinagat ko ang ibabang labi ko sa tamlay nang boses nya

"Madz, Why do you like my brother so much?"

Matagal bago nakasagot si Madz, Lumunok ako pagkatapos ay pinilig ang ulo ko habang naghihintay nang sagot nya.

"I don't know either Sue, kahit ako hindi ko alam. I want to stop liking him. But I can't. I hope I can stop this feeling. It's so frustrating." Bulong nya.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay humiga na sa kama. Hindi ako makatulog buong gabi kakaisip. Naiinis ako kay Japeth at the same time natatakot ako sa pwede nyang gawin.

Ilang araw pa ang lumipas at simula na nang school festival. Excited akong pumasok at makita kung anung itsura nang classroom naming para sa boot.

"Caleb, I-serve mo ako nang upuan ha? Anung oras ba ang tugtog nyo?" tanung ko sa kanya habang nasa sasakyan kami. Hindi sya umiimik kanina pa. Parang balisa sya at wala sa sarili. Hindi ko alam kung bakit.

"Caleb."

Sumulyap sya sa akin pero agad ding naiwas nang tingin.

"H-huh?"

Ngumuso ako.

"Bakit ang tahimik mo? Ang sabi ko i-serve mo ako nang upuan at kung anung oras ang tugtog mo."

"Ah. After lunch kami tutugtog. At sinabi ko naman sayo. Kung gusto mong may maupuan, Pumunta ka nalang nang maaga." Aniya.

Hindi ako sumagot. Yan na naman ang coldness nya. Hindi ko alam kung bakit ganyan sya. Bigla nalang nawawala sa mood sa hindi ko malamang dahilan.

Binalingan ko sya nang tingin at nakitang inihinto nya ang sasakyan sa may carpark.

"Ang sungit mo na naman, May problema ba?" tanung ko sa kanya pero hindi sya umimik at lumabas nalang nang sasakyan. Ganun din ang gagawin ko. Hahabulin ko sana sya nang mag-ring ang cellphone ko. Napahinto ako sa paglalakad pagkatapos ay tinignan kong sino ang tumatawag.

Umismid ako nang makitang si Andrew iyon.

"Drew, What?" tanung ko nang sagutin ang tawag. Binalingan ko nang tingin si Caleb at nakita kong umiling-iling sya sa harapan ko.

Humalakhak sya.

"Ang sungit naman nang baby, By the way. Nasa sasakyan ako ni Japeth. Papunta na kami dyan sa school mo." Aniya

Nanlaki ang mata ko.

"What? Bakit?"

"Tinatanung paba yan? School festival so, pwedeng bumisita kahit na outsiders. Isa pa, Game ni Japeth mamayang gabi. Gusto kong manuod." Sabi nya sa akin.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon