Chapter 36

2.1K 53 3
                                    


Chapter 36

"Madz, Anung gagawin ko?" tanung ko kay Madz nang pumunta sya dito sa bahay kinabukasan. Andito kami sa kwarto ko ay nagbubukas nang mga regalong natanggap ko nung nagdaang gabi.

"Tinatanung pa ba yan, Sue. Hindi ka pwedeng sumama." Aniya.

Tuluyan akong nanlumo. Nakita kong kinuha nya ang isang regalo pagkatapos ay binuksan iyon.

"Galing ko kay Grant Elliot Hernandez." Aniya. Inilabas nya 'yun sa bag. Isang bag na pambabae.

"May tatak pa ang isang 'to." Aniya. Hindi ako umimik.

Walang laman ang utak ko ngaun kundi sa paanung paraan ako pwedeng pumunta sa Maynila nang hindi kaylangang magpadala ng search and rescue operation ang parents ko at hindi magdududa si Japeth. Niyaya ako ni Caleb at kahit alam kong hindi nya ako pinipilit ay gusto ko paring pumunta at sumama sa kanya. Siguro para sa iba, dalawang linggo lang 'yun. But for me, it's freaking two damn weeks ng wala si Caleb at para bang hindi ko kaya ng ganun katagal. Kahit nga kakakita lang naming dalawa kahapon namimiss ko na kaagad sya eh, dalawang linggo pa kaya?

Binalingan ko si Madz. Kinuha nya ang isang maliit na box doon. Nakita kong binuksan nya ito. Ngumiti sya at ipinakita sa akin ang isang pares nang kumikinang na hikaw.

"Ang ganda, suot ko sayo." Aniya. Tumayo sya at isinuot nga sa akin 'yun.

Hinawakan ko ang tenga ko. "Kanino galing?"

"Fifth Hernandez." Aniya. Umismid ako. He's always giving gift na may meaning. Anu bang ibig sabihin kapag nagbigay ang isang lalaki ng hikaw sa babaeng gusto nya?

Bumuntong-hininga ako at tumulala sa anklet sa ankle ko.

"Bakit hindi mo nalang syang hintaying umuwi dito?"

"Gusto ko ding sumama sa kanya, Madie." Sabi ko.

That's true. Hindi sa gusto kong maglakwatsya or whatever. Gusto kong makita ang mundong ginagalawan ni Caleb. Gusto kong makita kung anung buhay ba meron sya. Gusto kong makilala pa sya nang mabuti. Gusto kong malaman kung anung pakiramdam nang nasa mundo nya. Feeling ko kailangan kong makita 'yun ngayon palang, malay mo dumating ang araw na iisa nalang ang mundong gagalawan namin. Kasi kung sasabihin nyang magsama na kami ay talagang sasama ako sa kama. Ngumuso ako. Hayy. I want to know him more.

"Hindi ka papayagan, Sue. Alam mo yan. Anung gagawin mo? Anung sasabihin mo at gusto mong pumunta sa Maynila?"

"'Yun nga ang iniisip ko." Sagot ko

Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya.

"Sabagay, ako din naman. Gustong-gusto kong makapunta sa Maynila. Karamihan sa mga pinsan ko ay andoon, andoon ang kapatid ni nanay na si Untie Nery. Ang kaso, mahal ang pamasahe." Aniya habang nililigpit ung mga punit ng pambalot ng regalo na nakakalat sa lapag.

Kumurap-kurap pa ako nung una pero nanlaki din ang mata ko nang may narealized sa sinabi ni Madie.

Nilapitan ko sya agad.

"May kamag-anak kayo sa Maynila?"

"Oo. Kayo?"

Umiling-iling ako.

"Wala." My relative are in States. All.of.them.

"Eh. May bahay naman kayo din doon diba?" tanung nya.

Ngumisi ako pagkatapos ay niyakap si Madz. "'Yun na nga Madz!" sigaw ko.

Kumunot ang noo nya sa akin. Alam kong magiging effective ang planu kong ito!

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon