Chapter 24

2.7K 79 6
                                    

Chapter 24

Panay ang ngisi ko buong biaje. Paulit-ulit kong tinitignan si Caleb pagkatapos ay natatawa sa ekspresyon nya. Confirmed! Nagseselos nga sya at ang nakakatawa, hindi nya alam na si Madz ang tumawag sa akin and no, I'm not gonna tell him over my dead body. Hindi ko sasabihin sa kanyang si Madz iyon.

"Caleb, nagseselos kaba?" tanung ko

"Anu?"

"Ang sabi ko, nagseselos kaba? Kasi galit ka nung may ka I love you-han ako." Ani ko. Tinignan ko ang mukha nya at nakita ko ang balisa nyang mga mata. Admit it, you're jealous. Kapag ganun ay magpapaparty talaga ako. Hihi.

"Hindi." Sumimangot ako.

"Eh- bakit nagalit ka kanina?" tanung ko

Nadinig ko ang malalim nyang pagbuntong-hininga. "Eh, kasi madaya ka. Hindi ka tumutupad sa usapan. Tss.. Sana pala, Hindi ko na pinatulan ung hamon mo." Aniya

"Bakit ka nga ba pumayag?"

"D-dahil sabi mo, Para magsawa ka sa akin." Hirap na tugon nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay tinitigan syang mabuti.

"Bakit Caleb? Gusto mo bang magsawa ako sayo?" tanung ko

Nakita kong inihinto nya ang sasakyan. Huli na nang makita kong nasa tapat na pala kami nang bahay.

Nakahinto na ang sasakyan pero hindi padin ako bumababa. Hinihintay ko padin ang sagot nya. Mukhang wala syang balak sumagot kaya sinundan ko na 'yun nang isa pa.

"Caleb, Do you like me?" tanung ko. Nabigla sya at napatingin sa akin. "Kasi ako, Oo! I like you. A lot." Prangkahang sabi ko.

Uminit ang pisnge ko pero pinagsawalang bahala ko lang 'yun. Nakatingin lang ako kay Caleb at naghihintay nang sasabihin na at pinagdadasal na sana ay pabor 'yun sa akin. Himilig ako sa kanya. Nadidinig ko ang malalim nyang buntong-hininga at nagwawala ang tiyan ko dahil umaabot sa akin ang mabango nyang hininga.

Bumaba ang tingin ko sa labi nya at nakitang nakaawang iyon. Pumungay ang mga mata ko. He wants to kiss me too, hindi ba? Tama ba? Gusto nya din akong halikan. The feelings are mutual kaya bakit hindi nya masabi sa akin na gusto nya din ako.

"Caleb, Do you like me?" ulit ko.

Pumikit sya pagkatapos ay sunod-sunod na nagmura. Tinikom ko ang bibig ko at naghintay nalang nang isasagot nya.

Pinasadahan nya ang kanyang buhok. Humugot ako nang malalim na hininga. Umiinit sa loob nang sasakyan kahit na may aircon naman. Nagiinit ang pisnge ko pero damn, I still manage to look at him in the eye.

"Caleb-" Sabi ko. Ngumanga sya nang bahagya. Akmang lalapit sya sa akin pero sandaling umatras muli. Dalawang beses nyang inulit 'yun at alam kong nagpipigil sya, Alam na alam ko 'yun. That's not necessary Caleb, Shit! Nahihilo ako sa bango nya. His natural scent, isa pa 'yun sa nagpapabaliw sa akin.

Gumalaw sya para bahagyang itulak ako. Nahihirapan syang ayusin ang kanyang sarili. Kitang-kita ko kung paanu mag-flex ang kanyang muscles habang ginugulo nang ginugulo ang kanyang buhok. Kinagat ko ang ibabang labi ko, He's so hot and I can't stand it! Mapapaso ako kung mananatili pa ako dito sa loob nang sasakyan. Lahat nang aksyon nya at nakapagpapatunaw sa akin, maliit man 'yun oh, malaki.

Wala pa nga syang ginagawa pero nalulunod na ako sa kanya. Anu pa kaya kung meron na? Baka mabaliw na ko.

"Shit. Sue, Why so desperate."

"Sinabi ko na hindi ba? Because, I like you"

"Pero, hind ba pwe-"

Pinutol ko na agad ang anumang gusto nyang sabihin. "I told you, Caleb. I don't play hard to get sa lalaking gusto ko."

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon