Chapter 46

2.4K 44 0
                                    


Chapter 46

Bago pa ako makalapit sa table namin ay agad na akong sinalubong ni Drew.

"Why are you shaking?" Nakakunot noo nyang tanung.

"A-ah. Nilalamig ako." Pagsisinungaling ko. Ngumisi sya pagkatapos ay binalot ako nang kanyang sarili. Hinayaan ko lang 'yun. Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay binaon ang ulo ko sa kanyang dibdib. Gulat sya sa ginawa ko pero shit, I need to do this, Hindi ko na talaga kasi mapigilan.

Nanginginig ang balikat ko habang nakayapos sa kanya. Hinawakan nya ang ulo ko nang dahil doon.

"Sue? What's wrong?" tanung nya.

Nahihiya ako dahil dito pa kami sa gitna nakapwesto, nahihiya ako dahil hindi ko mapigilan ang iyak ko. Mahina ako pagdating dito at kanina ko pa 'to tinitiis at kanina ko pa pinipigilan. Sobra-sobrang pagsisikap ang ginawa ko para lang hindi 'to maibuhos sa harapan nya kanina.

Inangat ni Drew ang mukha ko. Laglag ang panga nya nang makita akong umiiyak. Naramdaman ko kaagad ang kamay nya sa aking pisnge. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa kanya.

"What's wrong? Anung ginawa nila sayo?" tanung nya. Kinabahan ako nang makita ang seryoso nyang mukha. Umiling-iling agad ako.

"W-wala Drew, Lasing lang ata ako. Bigla akong naiyak. Tama na. Alis nalang tayo dito." Pakiusap ko pagkatapos ay hinawakan ang laylayan nang damit nya.

Nag-igting ang kanyang bagang bago pumikit. Tumungo-tungo sya pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. Pumikit ako nang dahil doon.

"Alright, Alright. Uuwi na tayo." Bulong nya.

Nang dumilat ako ay agad kong nadinig ang lagabog nang isang mesa. Napadpad ang tingin ko kila Caleb. Lalag ang panga ko nang makitang tumba-tumba na ang mga boteng nakapatong doon.

"Hey, Easy. Nagbibiruan lang tayo!" nakangisi si Luke habang nakataas ang isa nyang kamay.

Hindi sumagot si Caleb, Mabilis ang kanyang hininga habang nagiigting ang bagang.

"Baby, Why are you so mad?" dinig kong sabi ni Ashley.

Nanatili akong nakatingin sa kanila. Inangat ni Caleb ang ulo nya at matamang tumingin sa amin ni Drew. Nanlaki ang mata ko. Suminghot ako nang dahil sa pagiyak. Nakita ko kung paanu lumambot ang tingin nya sa akin nang makita ang namumula kong mata. Laglag ang kanyang panga habang tinititigan ako. Akmang tatayo sya nang hilain ako ni Drew.

"Let's go, Sue." Aniya at pinadausdos ang kamay sa aking bewang, naglalakad kami palabas pero nakatingin padin ako kay Caleb. Nakita kong gimbal na gimbal ang mundo nya habang dahan-dahan bumabalik sa pagkakaupo. Napako ang tingin nya sa kamay ni Drew na nasa bewang ko.

Tuluyan kaming nakalabas nang Chaos kaya hindi ko na naaninag pa ang kanyang mukha. Naghihintay na ang driver sa labas. Pumasok nadin kami nang van. Buhat-buhat ni James si Laura dahil nakatulog na ito sa kalasingan, Sina Allen, king at Wright naman ay panay na ang tawanan. Halatang may tama na din..

Pumasok ako sa loob at agad na tumabi sa akin si Drew. Mahaba-haba ang biaje kaya pinikit ko ang aking mga mata. Hindi padin ako nakaget-over, Para akong natanga at the same time ay sobrang nasasaktan sa mga nangyari.

Nagkagat ako nang labi nang lumagaslas na naman ang luha saking mata, Marahas ko 'yung pinunasan. Nagbalik sa ala-ala ko ang mga tingin nya kanina kay Ashley, Ang mga ngiti nya sa babaeng 'yun. Yong paghahalikan nila at ang mga malalamig na tingin nya sa akin. 'yung blangko nyang ekspresyon habang kaharap ako. 'yung pagsasabi nya na hindi nya ako namukhaan.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon