Chapter 43

2.1K 46 1
                                    


Song used:

Everything - Lifehouse

-

Chapter 43

Simula noong nalaman ko ang bagay na 'yun ay mas mahirapan akong magconcentrate sa pagaaral dito. Madalas akong tulala at wala sa sarili. Palagi kong iniisip si Caleb at kung anu ba a ng pinagkakaabalahan nya doon. Hindi ko maiwasang magalit sa magulang ko dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit nila kaylangang gawin 'yun.

"Dad! Hindi nyo dapat ginawa 'yun kay Caleb!" sigaw ko nang umuwi sila ngayong pasko. Ngayon na ang pangatlong taon ko dito sa New York and last year, umuwi na si Japeth sa Pilipinas para asikasuhin naman ang negosyo namin doon katulong si Daddy at Mommy.

"Tigilan mo na ang pagtatanggol sa kanya Sue, tama lang 'yun sa ginawa nyang pagnanakaw sayo."

"Oh my God, Dad! Hindi nya ako ninakaw noon. Kusa akong sumama!" ani ko

Umiling-iling sya sa harapan ko.

"Ginawa ko 'yun para matutunan nya ang kanyang leksyon. Mabuti nga at hindi ko na sya pinakulong at ang pamilya nya." Aniya pagkatapos ay tinalikuran ako. Sawi akong umiling-iling at sinundan nang tingin ang Daddy ko habang papasok sya sa kwarto.

Nang mapagisa ako sa kwarto ay agad akong binalot nang matinding lungkot at pagsisisi. Wala na talaga akong balita pa sa kanya, nang umalis ako sa Pilipinas tatlong taon na ang nakalipas ay nalaman kong pinadi-activate na ni Dad ang aking Facebook, Twitter at ang aking Instagram. Wala akong way para makasagap nang balita tungkol kay Caleb, kakaunte lang naman din ang nalalaman ni Madie tungkol sa kanya.

Kinuha ko ang laptop ko at tinitigang mabuti ang Facebook page. Kating-kati ang kamay ko para pagsign-in doon para makita kung kumusta na ba sya ngayon at kung anu naba ang pinagkakaabalahan nya. Mababaliw na nga siguro ako kung hindi ko pa malalaman kung kumusta na ba sya.

Umuwi si Japeth sa Pilipinas noong nakaraang taon. Dalawang taon lang sya namalagi dito sa New York. Kumuha din naman sya nang vocational courses dito. Isa pa, sa tingin ko ay hindi na kailangan pang bumalik ni Japeth sa pagaaral dahil sapat na ang nalalaman nya para sa business, Ako itong kaylangan maiwan talaga. Hindi biro ang kursong gusto ko at kinakailangan ko pang makuha ang aking specialty. Isang taon pa.. Isang taon nalang..

Kinagat ko ang kuko ko pagkatapos ay tinipa ang keyboard nang aking laptop. Kagat-kagat ang labi ko habang gumagawa nang account sa Facebook. Sa loob nang maraming taon ay ito ang iniwasan ko. Kulang nalang ay itapon ko ang laptop ko para hindi matuksong gumawa nang Facebook account para makita ko ang kalagayan nya. Natatakot akong kapag nalaman ko ang lagay nya ngayon ay lalo akong manghina at lumuhod nalang sa magulang ko para pauwiin nila ako nang Pilipinas.

Pero sa ngayon. Sa sobrang paghahangad ko na makita nag kalagayan nya.. ginagawa ko ang lahat nang ito. I maybe crazy pero miss na miss ko na talaga sya.

Gumawa ako nang Facebook account at unang hinanap ang pangalan nya sa search button. Malakas ang kalampag nang dibdib ko nang makitang bago ang kanyang Display Picture. Cli-nick ko 'yun at tinitigang mabuti. Tinakpan ko ang bibig ko nang umusal ang iyak nang paghihinayang sa aking labi.

Nakaupo sya sa isang mataas na upuan, Nakasabit ang kanyang gitara at kinakalabit nya ito. Nakapikit sya at mukhang nasa isang bar, Kumakanta sya. Tumulo ang luha ko. Caleb, I miss you so damn much! I miss you so much!

Tinignan ko ang kanyang Account at nagpasalamat dahil hindi iyon naka-private. Wala akong lakas na i-add sya kaya ang magagawa ko nalang ngayon ay tignan kung anu pa ang nakalagay doon. Pinilig ko ang ulo ko habang tinitignan ang mga bagong pictures doon.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon