Chapter 66

3.1K 65 1
                                    


WARNING: Medyo mahalay

-


Chapter 66

Ilang araw na ang nakakaraan simula noon. Wala na namang sinasabi si Mommy at Daddy tungkol dito. Wala na rin silang binabanggit sa akin. Pakiramdam ko, pilit na rin nilang tinatanggap ang lahat. Bumalik na sa normal ang lahat at bumalik nadin sila sa trabaho. Ganun din si Japeth na patuloy lang ang pamomonitor sa plantation. Madalas padin nya akong inaasar at sinasabihan nang kung anu-anu. Palagi nyang sinasabi na baka daw masyado lang akong nagmamadal para magpakasal. Hmp! Ewan ko sa kanya. Mukha kasing gusto nyang mas mauna na.

Andito padin ako sa Central dahil hindi pa ako pinapayagan nila Mommy at Daddy na lumuwas nang Maynila. Andoon na si Caleb kaylangan nya din kasing nasikasuhin ang sa bahay at ang Chaos. Miss ko na sya kahit na bukas ay babalik nya naman ako dito. Gabi-gabi naman kaming nagkatext at palagi nya akong tinatawagan. Hindi ko alam kung bakit ngayon nagiging mahigpit sa akin si Mommy at Daddy. Samantalang noon ay hindi naman. Naku! Kung alam lang nila kung anu na ang mga nagawa naming ni Caleb. Wala nang point para pagbawalan pa nila ako.

"Mabuti at maayos na kayo. Masaya ako para sayo Sue." Sabi ni Madie sa akin. Narito kasi sya sa loob ng kwarto ko at nagkukwentuhan kaming dalawa. Marami kasi akong ikinukwento sa kanya lalo na't matagali din kaming hindi nagkita nito.

"Kaya nga sobra ang saya ko ngayon eh. Para bang wala na sasaya na araw na 'to." Sabi ko.

"Alam ko naman 'yun. Mabuti naman ay maayos nadin sa Mama ni Caleb. Ang ibig sabihin nito kasal nalang talaga ang plaplanuhin nyo.

Ngumiti sya. Nagangat ako ng tingin at pinagmasdan si Madie sa harap ng salamin. Speaking of, mayron din pala akong gustong itanung sa kanya.

"Madie.."

"Hmm?" tumingin sya sa akin.

"Japeth said he's inlove with you." Panimula ko. Nakita kong natigilan sya nang dahil doon. Pinanuod ko lang ang kanyang reaksyon.

Hindi sya agad nagsalita.

"Madie. You still inlove with him?" tanung ko ulit.

Ngumiti sya pagkatapos ay tumungo-tungo.

"Oo. Syempre." Simpleng sagot nya.

"Then, how about Zid?"

"Walang kami ni Zid, Sue." Mabilis nyang tugon.

Ngumuso ako.

"Ang akala ko kayo. Anung nangyari sa nakalipas na apat na taon?" tanung ko ulit.

Hindi na sya sumagot. Pinilig ko ang ulo ko. Madami nang nangyari sa akin at pakiramdam ko ay hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa bestfriend kong si Madie. Isa pa. Busy ako palagi kaya halos ay hindi na ako nakikipag kkwentuhan sa kanya. Matagal din naman kasing hindi na kami nagkita.

Natigilan sya sa pagsusuklay nang magring ang kanyang cellphone. Dinampot nya naman iyon.

"Hello?" dinig kong sabi nya pagkatapos ay bahagyang lumayo sa akin.

Nilingon ko ang pintuan nang may kumatok dito.

"Sino yan?"

"Ma'am."

"Manang. Bakit po?" tanung ko.

"Ay. Si sir Andrew po nasa baba. Hinahanap ko kayo." Aniya.

Natigilan ak kaagad. Andrew?

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon