Chapter 4

3.4K 96 5
                                    

Chapter 4

Pagkauwi nung Caleb na un ay agad akong umakyat sa kwarto para magsearch ng iilang information sa kanya. Siguro naman hindi sya galing kung saang planeta hindi ba? hindi naman siguro sya alien kaya malamang meron naman facebook account, instragram, twitter or something diba?

Binuksan ko ang laptop ko pagkatapos ay nagsimulang i-search ang pangalan nya, Hindi naman ako ganun ka interesado sa kanya pero hindi ba? Bakit hinayaan ng parents kong maging bodyguard ko un porket kilala nila ang magulang ni Caleb? Gusto ko lang ng background check, gusto kong i-sure na hindi sya masamang tao.

"Ca..leb.. Hun.. ter.." utas ko nang sinesearch ko sya sa google.

"Ang dami naman!" reklamo ko nang makitang madaming lumabas sa results. Ngumuso ako pagkatapos ay pinagtitignan isa-isa iyon.

"Hindi ito eh." Bulong ko.

Patuloy lang ang browse ko. Para akong tangang hinahanap ang profile nya doon. Susuko na sana ako nang maagaw ng pansin ko ang isang picture nang lalaking nakatopless na para bang kahawig nya. Cli-nick ko iyon. Agad na bumungad sakin ang profile nya sa facebook. Tinitigan kong mabuti ang profile picture nya doon.

Napatakip ako sa bibig ko. "Oh my Gosh!" tili ko. "Sya nga 'to.. Grabe.." utas ko.

Uminit ang pisnge ko habang tinititigang mabuti ang litratong iyon black and white ang caption nang picture, Nakatopless sya tapos bahagya pang nakababa ang pantalon nya ung tipong nakikita ko na ung V-Line nya. Iniscroll-up ko at binasa ung mga comments.

"Ang gwapo mo.."

"Oh my gash. Hihimatayin ata ako."

"Akin ka nalang Caleb!"

"Ang hot mo dito! Bagay sayo!"

"Grabe naman, Libo-libo ang likes sa pictures, Ung akin nga hundred lang." bulong ko. Hindi ko ata matatanggap na mas popular sya sa akin. Saang planeta ba galing ang lalaking 'to? O, galing kaya sya nang Maynila? Hindi ko pa sya nakikita dito sa CC kahit na kailan. Oh baka naman taga kabilang probinsya sya?

Iniscroll down ko pa at binasa ang libo-libong comments doon, Binasa ko ang isa nyang comment nya doon na nagpataas nang kilay ko.

"Hinay-hinay lang girls." Aniya.

Umismid ako. Walang-hiya. May hangin din pala 'to sa katawan. Che! Halata naman. Ang yabang!

Tinignan ko ang iilang picture nya doon. May ilang picture nang babae na nakatag sa kanya, Ung iba kasama nya sa picture, Naakbay pa sya sa mga ito. Tinitigan kong mabuti ang litrato. Hindi dito yan sa CC, Siguro sa Maynila 'to. Ibig sabihin, Hindi pala sya talaga dito nakatira sa CC, kaya pala hindi ko sya kilala. Hmm. Halos lahat kasi nang Hot at Poging lalaki dito sa CC kilala ko, katulad nalang nang mga Hernandez at Xaviers kaya nakapagtatakang hindi ko sya kilala—Ay! Teka nga! Anu bang sinasabi ko? Hindi naman sya gwapo eh! Asa naman ang Caleb na un! Tss.

Ngumuso ako tapos pinindot ang "Add a Friend" button. Tss.

"Ikaw ang kauna-unahang inadd ko, kaya kaylangan iaacept mo ako! Wag kang magisip ng kung anu! Bodyguard kita kaya dapat.. keep in touch tayo lagi! Tss. Ako ung babantayan mo pero mas nauna ko pang makita ang facebook account mo. Kainis." Utas ko.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon