Chapter 40

2.4K 52 2
                                    


 Chapter 40

Bumaba kami nang sasakyan, umaambon kaya nakita kong agad na nagtakbuhan sa amin ang iilang guard para bigyan kami nang payong. Nang pumasok kami sa hotel ay hindi ko na nakita pa si Madz, I feel guilty. Nasama pa sya dito. Hindi ko alam kung naiwan ba sya sa sasakyan ni Japeth, Sa ngayon ang gusto ko lang ay ang malaman ang katotohanan, Hindi ko pa nga alam kung sa paanung paraan ba ako makakatakas sa dalawang guard na nasa magkabilang gilid ko.

Kumuha si Daddy nang apat na Presidential suite para sa amin. Wala sa sarili akong sumunod sa mga guard na nakapalibot sa akin habang inaakay nila ako papasok nang kwarto ko. Lumingon ako pero hindi ko nakita si Japeth at Madie, Si Daddy ang nahagip nang tingin ko na papasok naman sa kwarto nya at may nakabuntot pang dalawang guard.

Pagkapasok ko sa loob ay bumuhos agad ang luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat nang ito. Parang kanina lang ang saya-saya ko kasama si Caleb, Hinalikan pa nya ako at niyakap. Nagseselos pa sya sa kanyang kapatid at sa mga lalaking pumapansin sa akin, Sinabi nyang mahal nya ako at mahal ko din sya kaya hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat nang ito. Parang bangungot ang lahat. Gusto kong kalimutan. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat nang ito.

Humagulgol ako sa iyak. Hindi ko na alam kung anu bang itsura ko ngayon, Hindi ko alam ang gagawin ko kung talaga bang totoo ang sinabi sa akin ni Japeth. Baka hindi ko kayanin, Ginamit ako ni Caleb dahil isa akong Alcantara? 'yun lang ba talaga 'yun? Ni kunte ba, ni kakarampot na pagmamahal ba wala?

Damn! Damn! Buong buhay ko ngayon lang ako nagmahal nang ganito. Buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman na may isang taong mahalaga sa akin, mas mahalaga sa kahit na sino, Mas mahalaga kesa sa sarili ko, tapos ganito pa ang nangyari?

Palabas lang baa ng lahat? Ginamit nya lang ba ako? Nagsisimula ko nang isipin. Lahat nang yakap nang halik, totoo ba ang lahat nang 'yun? Hindi ko alam, gulong-gulo ako.

Naramdaman ko ang pag-vibrate nang cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko 'yun. Napatakip ako sa bibig ko nang makita kung sino ang nagtext doon.

Caleb:

Sue, Please come back. Mahal kita. Mahal na Mahal kita. Please Sue, Parang awa mo na hindi ko kaya kapag wala ka. Mamamatay ako Sue. Parang-awa mo na.

Awtomatikong napaupo ako sa kama nang dahil doon. Tinitigan kong mabuti ang bawat letra nang text nya. Kumalabog nang sobra ang puso ko. Shit, I love him so damn much at gusto ko syang makita.

Bumukas ang pinto nang kwarto ko. Nakita kong pumasok doon si Japeth, Nanliit ang mata nya nang makitang umiiyak na naman ako.

"You're crying again." Aniya

Suminghot ako. "Please, Japeth. I want to see him. Tulungan mo ako." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Kumunot ang noo nya habang pinagmamasdan akong sobrang umiiyak ngayon. Alam kong nababagabag sya dahil ni isang beses sa buhay ko, Hindi pa ako umiyak nang ganito. Ako din naman. Never in my life inisip ko na iiyak ako nang ganito nang dahil sa isang tao.

Itinatak ko sa pagiisip ko na isa akong Alcantara at masyadong mataas ang tingin ko sa apelyidong nagbigay sa akin nang kayamanan at maraming karapatan. Sa isip ko noon, Hindi ako pwedeng saktan. Hindi dapat ako sinasaktan. Tinatak ko sa kokote ko na ang Alcantarang katulad ko ang dapat na sinasamba nang lahat, tinitingala dapat ako at hinahangaan.

Ni isang beses sa buhay ko ay hindi ko naisip na iiyak ako nang ganito nang dahil sa isang tao, Hindi dahil sa parents ko, sa mga kaibigan ko oh, kay Japeth. Kundi umiiyak ako nang ganito dahil sa taong mahal na mahal ko. Hindi ako makapaniwalang na ibababa ko ang sarili ko nang ganito.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon