Chapter 54

3.2K 58 0
                                    


Chapter 54

Ngumiti ako sa kanya, Sobrang nanaba ang puso ko sa mga sinabi nya sa akin at pakiramdam ko anumang oras ay sasabog na talaga ako sa saya. Pinanghahawakan ko ang sinabi ko sa kanya na dadahan-dahanin namin ang lahat pero ngayon, para bang isang kalabit nya nalang sa akin ay kakalimutan ko na talaga ang lahat.

Inilayo nya ako sa kanya at marahang niyakap. Pagkatapos noon ay halos hindi na talaga ako nakapag-sketch pa. Nangangatog ang kamay ko at pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na talaga ako dahil sa mga titig nang Caleb na 'to.

"Gusto ko, lawakan 'yung balcony.. Sue." Bulong nya sa tenga ko. Damn. Napapikit ako bigla. Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay ginawa ang sinasabi nya.

"t-tapos?" ngatal na tanung ko.

Hindi sya sumagot. Nararamdaman ko lang ang pagngisi nya sa likuran ko, Malamang ay napapansin nya ang pangangatal ko dito.

"Hmm. Wala na akong maisip." Aniya pagkatapos ay hinawi sa kamay ko ang hawak kong sketch book. Nanlaki ang mata ko, nang hawakan nya ako at iharap sa kanya ay nakita ko kaagad ang nangingislap nyang mga mata.

"Oh?"
Ngumisi sya. "Kaylan ba pwedeng maging tayo?" tanung nya.

Oh my God, Wag mo 'kong tanungin nang ganyan! Baka ngayon palang ay sagutin nakita!

"Ah-"

"Kaylangan ko pabang manligaw?" Aniya.

Ngumuso ako. "O-oo. Siguro." Alinlangang sabi ko.

Yumuko ako dahil pakiramdam ko ay kinikiliti ang tiyan ko habang iniisip na liligawan ako ni Caleb, Naging kami noon dahil sa pangaakit ko sa kanya, Dahil sa pagpupursigi ko na maging kami. Hindi ko manlang naranasan kung paanu nya ligawan. Ewan ko ba, Kinikilig ako.

Ngumiti pagkatapos ay humilig sa akin.

"Sige.. Liligawan kita.. Kahit gaanu katagal, sagutin mo lang ako." Aniya. Kumurap-kurap ako habang pinagmamasdan syang papalapit sa akin. Nang maramdaman ko ang labi nya sa ilong ko ay pumikit na ako.

Ngumiti ako. Iniiwasan nyang halikan ako sa labi. Kitang-kita ko 'yun. Alam kong gustong-gusto nya akong halikan pero nagpipigil sya. Knowing Caleb, alam kong magaling lang sya sa pagpipigil pagdating sa akin.

Nang naghapon ay pinilit ko na din syang umuwi. Ayaw pa nya pero pinagtabuyan ko na. Hindi pwedeng narito sya dahil baka mamaya ay biglaan nalang sumulpot si japeth at isipin pang mayroon kaming ginagawang masama. Isa pa, Maya-maya lang ay darating nadin naman si Manang.

"Zup? Napauwi mo na?" tanung ni Japeth nang tumawag sa akin.

Umirap ako sa kawalan. "Oo, Napauwi ko na. Tss."

"Good. Sana naman hindi kayo nag-sex sa sofa?" Aniya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi. "Anung sinasabi mo? Asshole!" Ani ko.

Nadinig ko ang paghalakhak nya sa kabilang linya.

"Kidding aside. Syempre, Hindi pa pwede. Sue." Aniya.

Tumikhim ako. Naku, Japeth kung alam mo lang. Mukhang nagpipigil talaga si Caleb at pakiramdam ko ako na 'yung hindi na makakapagpigil pa.

Nang kinagabihan ay wala na din akong ginawa, Nagtetext kami ni Caleb habang nakahiga ako sa kama. Panay ang ngisi ko. Shit. Para akong teenager padin. 25 years old na ako pero kinikilig padin ako kapag magkatext kami. Pisti!

Ako:

Anung gagawin mo bukas?

Ngumuso ako nang makita ang reply nya.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon