Chapter 32

2.3K 59 2
                                    

I'm back.

-

Chapter 32

Weekend ngaun pero panay ang ngisi ko. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko. Panay ang gulong-gulong ko sa kama dahil sa kilig. Pakiramdam ko perpekto na talaga ang buhay ko. Shit! Shit! Shit! Naiirita padin ako kay Japeth pero hindi ko na sya pinapansin. I'm just damn happy right now at hindi ko magawang mabadtrip ngaun araw.

Madalas na kaming magkatext ni Caleb, Ni hindi na nga ako halos makatulog. Halos natuto na nga akong magpuyat dahil sa pagtext –text namin.

"Sue, Andyan na si Caleb." Ani ni Manang nang kumatok sya sa kwarto ko.

Ngumisi ako pagkatapos ay tumayo sa kama.

"Papasukin nyo nalang po dito sa kwarto, Manang." Sabi ko

Tumungo-tungo si manang sa akin. Nang idikit ko ang tenga ko sa pinto ay nadinig ko na ang yabag ni Caleb, Kumalabog agad ang dibdib ko. Yabag nya palang nagkakaganyan na ako. Shit!

Agad akong nagdive sa kama pagkatapos ay nagkunwaring tulog. Kumatok si Caleb sa pinto.

"Sue?" Aniya

Hindi ako sumagot. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagngisi.

"Sue, Alam kong gising ka. Buksan mo na ang pinto." Aniya.

Tumayo ako pagkatapos ay dahan-dahang naglakad papuntang pinto. Binuksan ko 'yun. Ngumuso ako nang makitang nagtaas sya nang kilay sa akin.

"Gusto mo daw akong makita, may pupuntahan ka?" tanung nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay umiling-iling. "Wala." Sabi ko

Tumaas ang kanyanag kilay.

"Bakit mo ako pinapunta dito?" tanung nya.

Tumingin ako sa paligid pagkatapos ay hinila sya papasok nang kwarto ko. Sinarado ko ang pinto pagkatapos.

Itinuro ko sa kanya ang mga notebook kong nakalatag sa aking study table.

"Turuan mo ako." Sabi ko.

Ngumisi sya sa harapan ko. Nalaglag agad ang puso ko nang dahil doon.

"Tuitor mo nadin ako ngayon?" nakangising sabi nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay tumungo-tungo.

Umupo sya sa table kaya umupo naman ako sa tapat nya. Tinititigan ko lang syang mabuti habang bina-browse nya ang laman nang notebook ko. Nakita kong nagkunot ang noo nya habang nakatitig doon, Sa totoo lang. Wala naman talaga akong halos maisulat doon. Bigla tuloy akong nagsisi dahil hindi naman talaga ako nakikinig sa professor ko at hindi din ako nagtatake down nang mga notes.

"Halatang hindi ka nagaaral nang mabuti." Aniya

Sumimangot ako.

"Bakit kaba huminto nang pagaaral?" tanung nya bigla.

Binalingan ko sya nang tingin. "I hit one of my classmate." Ani ko. Nakita kong natawa sya nang dahil doon. "Kumalat ang mukha ko sa dyaryo kinabukasan, mabuti nalang at naagapan agad ni Dad."

Nakita kong tumigil sya at ibinaba ang notebook ko. Tumingin sya sa akin.

"Ma-impluwensya talaga si Mr. Alcantara." Aniya

Tumungo-tungo ako.

"Hmm- Siguro dahil sa kanya ang Central." Sabi ko habang hindi padin bumibitiw nang titigan sa kanya, pinilig ko ang ulo ko nang mapansing may kung anu sa titig ni Caleb. Hindi ko alam kung anu 'yun. Kakaiba..

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon