Her 1o1 Side

32 3 0
                                    


Nagsimula kaming mag best friend ni Yukio  simula ng pinakilala sya sakin ng kaibigan ko. Simula nun lagi na kaming magkatext ni Yukio, nagkataon pa nga na sumali kami sa clan. Halos lahat ng ginagawa ko alam nya at ganon din naman sya sakin. Pag may nanliligaw sakin dapat sa kanya muna dadaan bago sakin. Ewan ko ba kung bakit ganoon sya sakin. Hanggang sa tumagal umalis din kami sa clan na yon.

January, 2011

Andito kami ngayon sa plaza habang naonood sa mga nag sasayaw. "Best paano ba yan pinapasali ako sa clan? Sasali ako ha." Sabi ko dito sabay tingin sa mga bituin.

"Naku! Sasali ka tapos magkakaroon ka ng boyfriend dyan?" Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya pero nakita ko syang nakatingin sa mga bituin kaya tumingin muli ako doon. "Sige sumali ka, pero lahat ng ig-gm mo doon padaanan mo ako. Okay?"

"Okay." Pagkasabi kong yun bigla akong napatingin sa kanya, sa di ko inaasahan nakatingin din pala ito sakin. "Hmm, ano pala.... ayun bibili muna ko ng fishball at kikiam ha." Tumayo na ko  sa kinauupuan namin, bakit ganon ang awkward at nautal pa talaga ko kanina.

Habang nagbabayad na ko ng binili ko nakita ko na sya sa likod ko kaya naman dali dali ko itong inalok ng kinakain ko. "Gusto mo ba?" pero umiling lang ito sa sinabi ko. Ang arte talaga nitong si Yukio Farrell. Habang naglalakad kami bigla syang nagsalita.

"Ikaw Naize Fletcher kain ka ng kain ng kung anu-ano. Wag kang madalas kumain ng mga yan ha, sa susunod peltok ka sakin pag nahuli kitang kumakain ng ganyan." Sabi nito sabay gulo sa buhok ko.

"Sungit!" Pagkasabi kong yun bigla akong tumakbo at dinilaan ko sya. Samantala sya ngumiti lang at hinabol ako. Ganito kami nitong best friend ko, super duper close na namin sa isa't isa. Kontento na ko pag sya ang kasama ko. masaya na ko sa presence nya.

*=*=

Habang hinihintay ko ang best friend ko nag gm muna ako.

Good morning everyone :) 

Sa mga nagtatanong po. I'm single but not ready to mingle!  Kung papasa kayo sa best friend ko why not? 

Di'ba Kize ;) by the way hindi po sya kasali dito :)

Hearty Heart <3

Wala din naman akong balak mag boyfriend gusto ko lang ng mga new friends. Natawa na lang ako ng marealize ko yung sinabi ko. Ilang minuto na ang nakakalipas pero si Yukio wala pa rin kaya dumaretso muna ko sa library namin at tinext ko sya.

Ang tagal mo Best >.< Andito na ko sa library magbabasa muna ko ng libro :)

Pagka sent ko nun mga ilang minuto lang may tumabi na sa upuan ko. "Sorry late ako nagising eh. Oh, syanga pala isali mo ko sa clan na yan baka mamaya nyan malingat lang ako may boyfriend ka na agad!" Sabi nito habang nakakunoot ang noo.

"Itsura mo Best ang haggard ng pes mo ngayon." Sabay punas ko naman sa mukha nya na ikinagulat naman nito at parang estatwang namumula ang mga tenga. "Ang cute ng tenga mo ang pula pula and noted! Isasali na kita, anong codie mo?" Sabi ko dito habang nakatingin pa rin sya sakin kaya naman pinitik ko sya sa noo nya.

"Aray! Bakit mo ko pinitik sa noo?" Reklamo nito habang hinihimas ang noo nya. "Narinig naman kita eh, kung ano ang code name mo ganon na din yung akin."

"Ang creepy mo kasi makatingin. Heart hearty ang code name mo." Sabi ko dito sabay ngiti.

"Ayoko nun pambabae naman yun." Ang cute talaga ng best friend ko mainis eh.

"Edi magpalit ka ng codie mo." Sabi ko dito sabay ngisi.

"Hindi na, okay na yung code name na yun." Sabi nito.

Isang buwan na ang nakakalipas pero iilan lang nakita ko noon dahil itong si Yukio kaarte arte kung hindi pa kami pilitin ni Popoy hindi pa kami pupunta e. After that, may nanligaw sakin pero wala sa kanilang nakapasa kay Yukio.

*=*=

Pasukan na bukas at lahat kami ay busy na ngayong sem na to. Habang nagmumuni-muni ako biglang nag vibrate ang cellphone ko.

From: Best friend :D

Naize Fletcher usapang matino tayo ngayon ha?

Ano naman yun Yuiko Farrell?

Wag na nga lang, baka mamaya hindi ka pa pumayag e.

Asa ka! Wag kang pa-humble hindi bagay sayo. Letche ka talaga :)

Wag kang mag bo-boyfriend hanggang hindi pa tayo tapos sa college. Deal? :D

Yun lang pala e. Okay, noted Kize :)



KokuhakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon