His 1o1 Side

22 3 0
                                    


Nung unang pakilala pa lang sya sakin ng kaibigan ko natuwa agad ako sa personality nya. Ang cute nya lalo na nung kinakamot nya yung ilong nya sa sobrang kati at namula ito ng husto. Hindi ko mapigilan ang ngumiti noong araw na yun. Naging close kaming dalawa nung time na nakitext sakin ang tropa ko.

"Dude text mo nga si Naize paki sabi wala ka mo yung librong pinapabili nya dito sa mall. Eto number nya 0927*******" Sabi sakin ng tropa ko kaya naman dali dali ko itong tinext.

Naize wala yung librong pinapahanap mo saken. Trops to.

Okay dukie. Sige ako na lang ang maghahanap ng libro.New number mo?

"Pre nagtext ulet anong sasabihin ko dito?" Ano ba tong kaibigan kong to, hindi buo ang araw pag hindi naglaro sa cellphone nya.

"Ikaw na bahala. Mabait naman yang si Naize at kilala ka na naman nyan eh." Kaya naisipan ko muling magreply kay Naize tutal naman sabi nya bahala na ko.

Hindi Naize number ko to. Nakitext lang saken si Trops. Busy sya ngayon sa paglalaro nya e. Yukio to.

Ay, sabe na hindi sya yung nag text, dahil iba ang format ng text nya e.

Ganoon ba. Pasensya na ha. Akalain mo yun magkaklase pala kayo nito ni Trops sa isang subject. Sana next sem magkaklase din tayong dalawa :)

No worries. Sure sana nga next sem magkaklase tayo :)

Oo nga pala Naize pwede ba kitang maging kaibigan o best friend?

It's up to you kahit ano pwede Yukio :)

Okay best friend na tayo :)

My pleasure Yukio.

*=*=

Hindi nagtagal naging close kami ni Naize hanggang sa naisipan namin na maging mag best friend kaming dalawa, hindi ko akalain na magigig super close kami nitong babaeng to. Halos lahat ng bawat galaw namin ay alam na naming dalawa. Nag-alinlangan pa ko sa una na pasalihin to sa clan nila Popoy pero sa huli pumayag din ako at hindi nagtagal sumali na rin ako sa clan nila.

"Best ano na, pag tayo pumunta doon wala na tayong maabutan? Bakit kanina ka pa dyan tingin ng tingin sa cellphone mo?" Sabi nito habang nakapamewang pa saken.

"W-wala lang tara na." Kaya lalo kong tinatagalan ang kilos ko para pag dumating kami doon ni Naize wala na syang masyadong maabutan na tao at dito ko pa talaga tinaon sa may tapat ng elevator tagalan ang pag kilos ko at binaling ko ang tingin ko sa kanya.

"Best usapan natin pupunta lang tayo bawal ang uminom ng alak! Nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi ko dito habang inaayos ang bag ko.

"Aye aye captain Best. Bakit dito ka pa nag ayos ng bag mo! Nakngtinapa ka talaga." She said and smiled at me. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit bigla akong kinabahan ng ganito. "Let's go beybe!" Sabi nito sabay hawak sa kamay ko kaya ang mata ko ay hindi maalis sa magkahawak naming kamay.

"Aray ko bakit mo ko binatukan?" Sabi ko dito sabay himas sa ulo ko. "Wag na lang kaya tayo tumuloy?"

"Sorry na! Kase naman kanina pa ko salita ng salita, nakatulala ka la----" Hindi na nito napagpatuloy ang sasabihin nya dahil bigla syang napatingin sa kamay namin na hanggang ngayon ay magkahawak pa rin. "S-sorry Best hindi ko sinasadya." Pagkasabi nyang yun bigla nyang inaalis ang kamay nya.

"Sus! Wala yun Best, hindi big deal. Mukhang feel na-feel mo ngang hawakan ang kamay ko." I tease her. "Tara na!" Ako naman ngayon ang humawak sa kamay nya.

KokuhakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon