His 1o2 Side

31 3 0
                                    


Ang saya lang na lagi kaming ganito ni Naize. Minsan natatawa na lang ako pag tinatawag nya ko sa Kize habang kaharap ang mga tropa ko.

"Trops sinong Kize ang tinatawag mo? Oo nga pala bakit hindi ka na daw pumupunta sa bahay sabi ni Mama?"

"Wala si Best yun. Bukas dadaan ako doon namimiss ko na din naman si Tita tsaka yung luto nyang mga pagkain. Sige na bye na Trops tsaka sa inyong lahat lalo na sa iyo Best." Sabi nito habang nakangti bago tumalikod na sya sa amin. 

"Kize? Kayo na bang dalawang ni Naize, Yukio?" Halatang may pag kainis sa tono nito.

"Wala lang yun pinag sama lang namin ang pangalan naming dalawa tsaka mag best friend lang din naman kaming dalawa ni Naize." Sabi ko dito habang nakangiti at tinuon ang tingin ko sa cellphone ko.

"Tara na at magsisimula na ang susunod nating klase. Magkita kita na lang tayo ulit mamaya." Aalis na sana ako ng bigla akong tawagin ni Andrew. "Yukio pakisabi kay Naize sabay na kami uuwi mamaya." Tumango at ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya ng bigla kong maalala na aalis pala kami ni Naize.

"Pasensya na pre may lakad kami ni Na---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakita ko si Naize na mabilis na naglalakad papunta sa kinatatayuan namin.

"Yukio wala pala tayong last subject ngayon. Grabe nakakapagod yung ginawa ko." Sabay hawi nito sa noo nyang puro pawis. "Shet! Ang init talaga dito sa campus natin." Sabay tingin nito sakin habang nakangiti, ang ganda talaga ng mata nitog babae na to. "Oo ng--ahhhh" Hindi ko alam kung paano ko agad nagawa ito pero si Naize ay nakakapit sa balikat ko habang ako kay nakahawak naman sa bewang nya. Natauhan lang ako ng biglang sumigaw ang isang estudyante.

"SORRY MISS HINDI KO SINASADYA!" Tumingin lang saglit ang nakabangga kay Naize bago tumakbo na ulit ito.

"Naize okay ka lang ba? Wala ba sayong masakit?" Tanong ni Andrew kay Naize habang hinawakan ang braso't pisngi nito.

"Ang OA mo naman Trops." Sabi nito habang natawa. "Walang masakit sakin dahil bigla naman akong nahawakan nitong si Kize kaya oks lang ako." Tumingkayad ito para akbayan ako pero hindi nya pa din ako masyadong ma-akbayan ng bigla itong lumingon sakin. "Yukio baka pwedeng pumantay ka muna sakin kahit saglit lang, ang tangkad mo eh, hindi kita ma-akbayan." Ngumiti na lang ako bilang tugon kaya hindi nagtagal inalis na nya ang kamay nyang naka-akbay sakin.

"Naku! Ang kulit kulit mo naman pala Naize kaya pala ganyan yang si Yukio sayo. Nakak---" Hindi na napagpatuloy ng tropa namin ang sasabihin nya dahil biglang nag salita si Andrew.

"Naize ngayon ka na lang pumunta sa bahay tutal naman sabi mo wala kang last subject, di'ba?"

"Trops wag makulit, bukas na ko pupunta may appointment ako ngayon eh, may lakad kami ngayon nitong lalaking to." Sabay tingin sakin nito. "Di'ba Yukio may lakad tayo ngayon?"

Kung hindi dahil kay Andrew baka hindi kami ganito ngayon ni Naize. "Sige Naize pede pa naman natin i-move yun, sumama ka na lang kay Andrew." Tumingin ako kay Andrew at nakita ko syang ngumiti sa sinabi ko.

Lumapit ito kay Naize at inakbayan nya ito. "Narinig mo si Yukio i-set nyo na lang ng other date yang lakad nyo."

"No Andrew.  I said tomorrow I'll be going to your house and I know Tita will be happy when she noticed me that I am around." She said while raising an eyebrow at him.

"Bahala ka kahit wag ka ng pumunta." Sabi nito sabay walk-out samin nila Naize at ang iba pa naming barkada.

"Anong nangyare doon pre?" Tanong ni Juan samin.

KokuhakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon