Her 1o3 Side

22 3 0
                                    


"Bakit nakasimangot ka dyan?" Tanong sakin ni Andrew. "Simula ng dumating tayo dito sa condo nakasimangot na naman yang mukha mo." Andito na kami ngayon sa condo nila Andrew. Naisipan namin na pumunta sa condo nila at dito muna kami tumambay na dalawa. "Mahal mo na ba?" Tanong nito kaya naman agad akong napatingin sa kanya.

"Huh? Mahal sino naman?" Kumuwa ko ng cookies at kinagatan ko agad yun at bigla na lang syang umupo sa harapan ko habang may hawak na ice cream.

"Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko Naize, umamin ka nga mahal mo na ba si Yukio?" Tanong nito habang nakatingin sakin.

"No, naiinis lang ako sa kanya dahil pwede naman nyang hindi na banggitin ang pangalan ko kung ganoon din naman ang iaasal nya." Sa inis ko kinuwa ko yung ice cream na hawak nya at kinain ko ito.

Bakit parang ang anghang naman nitong ice cream na'to at nung tumingin ako sa kanya nakita ko syang nakatulala sakin. "Shit, bat ang anghang nito?" Pagkakita ko sa flavor nito spicy strawberry kaya pala ganito tong si Andrew, dali dali akong pumunta sa kitchen nila at tinungga ko ang tubig na nasa pitchel. Shit! Ang anghang talaga nun grabe.

Bumalik ako sa upuan ko na parang baliwala lang ang nangyari. "Malapit na pala tayo magbakasyon sa tingin mo ano kayang magandang gawin sa bakasyon?" Tanong ko dito habang nakataas ang paa sa sofa.

"Gusto mo magbakasyon tayo?" Tanong nito kaya naman napangiti ako sa ideya nya.

"Nice idea Trops, sige." Sabi ko dito at kinuwa ko na ang librong nasa tabi ko tapos nagsalpak na ko ng earphone sa tenga ko.

Bago pa ko magpatugtog bigla ulit tong nagsalita. "Isasama ko sina Jack, Juan tsa---hindi ko na narinig pa ang mga sunod nyang sinabi dahil pumili na ko ng kanta at pinatugtog ko na to at tumango tango na lang ako sa kanya.

*=*=

This is it pansit ito na ang hinihintay namin na bakasyon at dahil naisipan naming pumunta sa tagaytay dali dali akong nag-ayos ng gamit at pumunta na ko sa lobby. Habang hinihintay ko sila Andrew bigla naman itong nag text sakin na hindi na nya ko masusundo kaya naman naisipan ko na lang mag commute ng biglang may nakatayo na sa harapan ko kaya dali dali akong napatingin dito at ganoon din sya sakin.

"Naize tara na? Hindi ka daw masusundo ni Andrew kaya sabi nya daanan na daw kita." Sabi nito sabay hawak sa bag kong medyo may pagkamalaki.

"Okay. Wag na ako na lang, kaya ko naman yang buhatin mag-isa." Sabi ko dito sabay hawak sa bag ko pero hindi nya pa din inaalis ang hawak sa bag ko. "Sabing ako na, bakit ang kulit mo!" I blurted out.

"You can't. I insist." Tumingin muli ako sa kanya at inirapan ko ito bago ako lumabas sa looby at ramdam na ramdam kong sumusunod naman ito sakin.

So he brought he's car. Agad kong binuksan ang pinto ng kotse bago sumakay na ko at nagsalpak na ko muli ng earphone sa tenga ko ngunit may napansin akong kumakatok sa bintana kaya naman dali dali ko itong binaba. "Ano na naman?" Sabi ko dito habang nakataas ang isa kong kilay.

"Ms. Naize Fletcher wala kang driver kaya lumipat ka sa passenger seat." Sabi nito bago umalis na kaya dali dali akong lumabas sa sasakyan nya. Nang makita ko na itong nakasakay sumakay na din ako sa passenger seat at padabog kong sinarado ang pinto. Hinablot nito ang isa kong earphone at nagsalita muli. "Syanga pala tiisin mo ang presensya ko dahil nauna na sila sa resort sa tagaytay."

Agad kong kinuwa ang cellphone ko at tinext ko si Andrew Bullshit! Bakit kay Yukio mo ko pinasabay, nakakainis ka Andrew. I hate you. I hit the send button makalipas ang ilang minuto bigla namang nagreply si Andrew.

KokuhakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon