Side 1o5

21 3 0
                                    

Andrew's POV

Nung una okay lang sakin na hindi ko nakakasama si Naize pero nung nagtagal napapansin ko na lagi na itong kasama ni Yukio at madalang na ito mag text. Minsan hindi ko napapansin na sinusundan ko na pala silang dalawa para malaman lamang ang ginagawa nila. They look happy together parang wala na silang bukas kung magtawanan at magtinginan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa tuwing nakikita ko sila nagseselos ako, kaya naisipan kong kausapin si Yukio nung araw na inihatid nya si Naize sa condo nito.

Flashback

4 yrs. ago

Pinilit ako ng magulang kong sumama sa kanila sa laguna dahil birthday ng isang kaibigan nya kahit labag sa loob ko sumama na ko sa kanila. Nang makarating kami doon umupo na ko sa isang lamesa habang naglalaro ako sa cellphone ko ng bigla ding may umupo sa table ko. Ito yung babae na kanina kong napansin na may kausap na isang kaidaran din namin. "Hi" bati nito sakin pero tinignan ko lang sya at muli kong tinuon ang tingin ko sa nilalaro ko.

Habang hinihintay ko si Mama nakita ko muli sya but this time she's with my Mom. "Andrew meet Naize." Pakilala ni Mama sa aming dalawa. "Naize meet Andrew." Binaling naman ni Mama ang tingin nya kay Daddy at iniwan na nya kami dito.

"Uso ngumiti, mukha kasing binibili ang ngiti mo." Sabi nito habang nakangiti, hindi ko naisip na napangiti din ako. "Di'ba sabi sayo uso ngumiti eh."

Hindi nagtagal naging magkaibigan kaming dalawa ni Naize at magkapitbahay pala ang mga lolo't lola naming dalawa. 

End of Flashback

Nung araw na pumunta kami sa bahay namin ni Naize parang wala sya sa sarili nya. "Okay ka lang ba?" Tanong ko dito at tumabi na ko sa kanya.

"Ah. I mean...of course I'm fine." Sabi nito. "May iniisip lang." Bago nagpaalam na sya kay Mama at umuwi na ito. Alam kong si Yukio ang dahilan kung bakit ganito to ngayon si Naize.

Pinagmamasdan ko lagi ang kilos ni Naize at Yukio at hindi nga ko nagkamali na may gusto sila sa isa't-isa hanggang noong nagbakasyon kami, akala ko okay na silang dalawa pero mukhang ginagalang nga ni Yukio ang sinabi ko sa kanyang layuan nya si Naize.

Habang naglalakad ako papasok sa school para magpacheck ng thesis bigla akong nilapitan ni Jack. "Andrew." Tawag nito mula sa likod ko. "Pre, alam kong may gusto ka kay Naize pero masaya ka bang nakikita syang ganyan?"

"Hindi, pero masaya din naman sya pagkasama nya ko." Sabi ko dito.

"Oo masaya nga din sya pero sa tingin mo pag hindi ka na nya kasama, masaya pa rin ba sya?" Alam ko ang gustong iparating ni Jack at alam kong naging selfish ako dahil gusto ko ding mapalapit sa akin si Naize. "Masaya sya dahil kasama nya ang iba nya pang kaibigan pero sa napapansin ko kay Naize namimiss na nya din si Yukio ngayong hindi nya pa din alam kung bakit sya nilalayuan nito."

Flashback

"Andrew bakit hindi na ngayon nag-uusap si Naize at Yukio?" Tanong ni Jack sakin. "May alam ka ba?"

"Kinausap ko si Yukio na iwasan nya muna si Naize at pumayag naman sya sa sinabi ko." Dare-daretso kong sagot sa tanong nito.

"Hanggang kailan mo naman yan gagawin pre?" Nagkibit balikat lang ako sa sinabi nito. "Baka sa huli magsisi ka sa ginagawa mo?"

"Bakit mo naman nasabi yun?" Tanong ko dito sabay inom sa hawak kong juice.

"Alam mong mag best friend si Yukio at Naize bago sa isang iglap bigla na lang iiwas si Yukio kay Naize, sa tingin mo ba hindi mag-iisip si Naize kung bakit naging ganoon si Yukio?"

KokuhakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon