His 1o3 Side

31 3 0
                                    


Masaya ako ng araw ng ihatid ko si Naize sa condominium nila papasok na sana muli ako sa kotse namin ng bigla naman akong hinarang ni Andrew. "Pre, kamusta." Casual na tanong nito sa akin.

"Okay naman, bakit pala?" Tanong ko dito bago sumandal muna ko sa kotse ko.

"About kay Naize." Pagkasabi pa lang nya sa pangalan ni Naize bigla na kong kinabahan.

"Dude baka pwede mo munang layuan si Naize." Sabi nito habang nakatingin sakin ng seryoso.

"Bakit ko naman gagawin yung bagay na yun Andrew?" Sabi ko dito na may halong inis sa boses ko. "Alam mo naman na best friend ko si Naize."

"Yun na nga, masyado na kayong sweet sa isa't-isa, hindi kaya may gusto ka na sa kaibigan ko?" Tanong nito sakin habang nakapamamulsa ang kamay nito. Oo nga pala kung hindi dahil sa kanya hindi kami aabot sa ganito ni Naize.

"Ah h-hindi magkaibigan lang talaga kaming dalawa ni Naize wala ng iba." Tumango tango lang ito.

"Ganoon ba, so pwede mong gawin ang favor ko, for the meantime layuan mo muna si Naize." Pagkasabi nyang yun bigla na lang syang sumakay sa sasakyan nya at ako eto hindi ko na alam ang gagawin ko. Matutulog na sana ko ng bigla akong nakatanggap ng text galing kay Andrew. Huwag mo na nga rin pala sya itext maliban na lang kung importante ito.

Sinunod ko ang gusto ni Andrew sa kadahilanang nirerespeto ko ang pagkakaibigan namin at ayoko silang mag-away ni Naize. Isang linggo na kaming hindi nag-uusap ni Naize. Sa samahan namin ng barkada namin wala din namang nagbago ganoon pa din maliban na lang sa aming dalawa ng best friend ko.

"Pre mukhang hindi kayo nagpapansinan ni Naize ha, may problema ba kayo?" Tanong sakin ni Ven pero umiling lang ako. "Pre alam kong may tinatago ka kaya sabihin mo na sakin." Sa aming magkakaibigan si Ven ang pinakaclose ko't tinuturing ko na tong kapatid ko.

"Wala pre sinusunod ko lang naman ang gusto ni Andrew." Bumuntong hininga ako. "Mahirap pero kakayanin ko."

"Sabi na nga ba't may problema ka, sa mga kinikilos mo pa lang halatang halata na, kaya pala pag nakikita mo si Naize parang baliwala lang sya sayo. Hayaan mo tutulungan kita." Ngumiti na lang ako sa sinabi nya. "Maghintay ka lang." Gago talaga itong kaibigan namin na'to kung minsan.

Hindi ko akalain na makikita ko rin dito sila Naize sa mall at bigla na lang nawala ang ngti sa labi ko. Dahil sakit ang pumalit sa ngiti kong yun,dapat ko na bang ipaalam kay Naize ang lahat o hahayaan ko na lang na ganito kaming dalawa?

"Hey, what's bothering you my friend?" Sabi sakin ni Mien habang tinatapik tapik ang braso ko. "W-wala may naisip lang ako."

"Gago wag mo kong lokohin, alam ko ang mga ganyang salita Yuki, sabihin mo sakin malay mo naman mabigyan kita ng payo." Sabi nito sakin habang nakangiti kaya kinuwento ko sa kanya ang gustong mangyari ni Andrew. "Bobo! Mahal mo na, hahayaan mo pa pero sabagay tama ka kasi kaibigan mo naman yung lalaki pero syempre magtataka din yung baba---" Tumigil ito sa pagsasalita kaya naman bigla ako napatingin sa kanya.

"Don't tell me yun yung kasama nung Andrew na babae?" Tumango lang ako sa kanya. "Sya pala, ano na balak mo ngayon?"

"Wala, tsaka doon ka rin naman mag-aaral sa amin kaya sayo muna ako sasama tutal naman kaibigan kita eh." Kunot-noo itong tumingin sakin.

"What? Nakng paano ako makakahanap ng lovelife ko kung lagi kang nakabundot sakin. Nakakainis ka naman." Sabi nito habang pasalampak na naupo sa bench. "Okay fine, sige pumapayag na ko pero umamin ka din sa kanya agad ha." Sabi pa nito sabay hawak sa balikat ko.

Dahil may meeting ang org.namin dumaretso na ko dito ngunit ng pagbukas ko ng pinto bigla kong nakita si Naize na nakapikit at sinasabayan nya ang kanta ng kanyang pinapatugtog. Ngayon ko na lang ulit nakita ang mukha nya ng malapitan ng bigla namang may lumabas na luha dito. Bakit kaya umiiyak tong best friend ko? Hindi ko namalayan na nakatingin na din pala sya sakin ngunit parang hindi sya makapaniwala na andito ako ngayon sa harapan nya. "Bakit ka umiiyak Naize?" Tanong ko dito. "May nangyari ba sa iy---" hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko dahil bigla itong nagsalita.

KokuhakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon