His 1o4 Side

19 3 0
                                    


"Mukha mo, wag mo kong lokohin Naize." Rinig kong sabi ni Ven. "Yukio kamusta ang thesis mo?"

"Passed." Bigla namang lumingon sakin si Naize. I missed her so much pero dahil sa sinabi sakin ni Andrew kailangan kong respetuhin ang pinag-usapan namin.

"Congrats." Hindi ko inaasahan na babatiin ako nito kaya tumango lang ako sa kanya at binaling ko na ang tingin ko kay Ven. Ilang yrs.na ba akong ganito sa kanya? Itinuturing ko lang syang parang hangin kahit na masakit para sakin dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Andrew.

"Yuki congrats, nakapasa tayong dalawa. Blow-out na to." Ngumiti ako sa sinabi ni Mien ng bigla na ding dumating sila Andrew. Muli kong tinignan si Naize na ngayon ay paalis na sila ni Andrew, sinusundan ko sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila makita.

"Hanggang tingin na lang ba, masaya ka ba sa mga pinaggagawa mo?" Tanong sakin ni Mien. Ngumiti lang ako ng mapakla bilang tugon sa kanya. "Babe pagsabihan mo nga tong tropa mo ubod ng tanga eh. Lumaban ka Yuki sa pag-ibig hindi puro sakripisyo lang, umamin ka na kay Naize. Tanga." Nauna na itong maglakad samin ni Ven.

"Sinabi ko na sayo dati yan. Ano yan hanggang tingin ka na lang ba sa kanya?" Sabi nito at naglakad na din kasunod ng girfriend nya. Great, magkaroon nga naman ako ng ganitong kaibigan. "Tara na, saka muna isipan yan ngayon mag celebrate muna tayo."

"Yuki kung umaamin kana sana kay Naize edi sana hindi ka naiingit at mukhang chaperon saming dalawa ni Ven." Tumango tango lang si Ven at inakbayan nya ito bigla kaya napangiti na lang ako sa sinabi nito.

Ngayon andito kami sa mall. Bakit ba naging chaperon ako ng dalawang to. Masaya ako para sa kanila ng kaibigan ko.

Flashback

"Yukio." Tawag sakin ni Ven bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko. Nakita kong may hawak itong palstic bag na sa tingin ko ay naglalaman ng beer.

 Andito kami sa balcony. Muli kong tinitigan ang dalampasigan ng bigla itong nagsalita. "Ang ganda ng kuwa dito ni Naize, mukhang masaya syang tumutugtog dit---" Hindi ko na sya pinatos sa sinasabi nya at inagaw ko na ang dslr ko sa kanya. "Hanggang dyan ka na lang ba Yukio?" Tanong nito bago inabutan ako nito ng beer. "Syanga pala pare hindi ka naman magagalit kung liligawan ko ang kaibigan mo di'ba?"

Kinuwa ko ang beer na nakabukas na at nilagok ko ito. "S-si Naize ba?" Tanong ko dito at muli kong nilagok ang beer na hawak ko ng bigla itong tumawa ng malakas.

"Mahal mo pero lalo mo naman sinasaktan ang sarili mo pare, kung ako sayo kausapin mo na yang si Naize. Si Mien ang liligawan ko hindi sya."

"Ah, oo okay lang ligawan mo kung gusto mo basta wag mo lang sya sasaktan." Sabi ko dito habang nakatuon ang tingin sa iniinom ko. "Kung ganoon lang kadali matagal ko ng nagawa yun pare pero kailangan kong respetuhin si Andrew."

"Kausapin mo si Andrew sabihin mo sa kanya ang totoo. Nirerespeto mo naman ang gusto nya pero wag mong tratuhin na iba si Naize hindi mo ba alam na nasasaktan din yun. Sige na matutulog na ko."

Hindi nagtagal nabalitaan ko na sila Ven na at si Mien na at masaya ako pagtinitignan ko silang dalawa.

End of Flasahback

Nang umuwi ako sa bahay naabutan ko sila Mama at Papa na nasa sala habang nanonood ng tv. Nakapagtataka dahil hindi ako sinalubong ng bunso kong kapatid. "Ma and Pa nasaan po si Yunner bakit hindi nya ko ngayon sinalubong?"

"Andoon sya kala Naize." Sabi ni Papa habang nakatuon ang pansin sa pinapanood nilang movie.

"Po, paano naman po sya nakapunta doon kala Naize?" Tanong ko dahil alam kong hindi sila dito nakatira sa village namin. Hinanap nya kaya ako? Ano kaya ang ginagawa nya dito sa bahay namin?

KokuhakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon