Side 1o5 Side

24 3 0
                                    

Naize's POV

Dahil sa mga nalaman ko, hindi ko alam kung ano pa ba ang mararamdaman ko. Hanggang sa paggising ko lumuluha pa din ang mata ko. Tumayo na ko't naligo at inayos ko na muli ang mga gamit ko para umuwi na sa amin.

Naabutan ko sa dining table silang lahat habang kumakain ng breakfast nila. "Naize, let's eat." Anyaya sakin ni Mien bago pinapaupo nya ko sa tabi nila Ven.

"Thanks Mien pero uuwi na ko." Sabi ko dito at binaling ko ang tingin ko sa iba pa naming kasama. "Guys, sorry pero uuwi na ko. Enjoy na lang kayo." Sabi ko at tuluyan na kong lumabas sa bahay na yun.

Akala ko mag e-enjoy ako at sasaya ako pero hindi pala dahil ang sayang gusto kong mangyari sakit ang dinulot nito dahil sa nalaman ko tungkol kay Yukio at Andrew.

Nasa labas na ko ng bigla kong marinig ang boses ni Andrew. "Paano ka uuwi, maglalakad ka hanggang sa sakayan habang bitbit yang bag mong mabigat?" Sabi nito habang tinuturo ang bag ko.

"So what? I don't care, mind your own business Andrew." Maglalakad na sana muli ako ng bigla muli itong nagsalita.

"Hintayin mo ko, ihahatid na kita sa inyo." Sambit nito pero hindi ako sumagot at lumabas na ko sa gate.

Bakit ba kasi ang layo ng sakayan dito sa lugar na'to, nakakapagod din pal---Hindi ko na napagpatuloy ang  sasabihin ko dahil biglang may tumigil na sasakyan sa tabi ko. "Get in." Utos nito sakin bago binuksan ang pinto pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Ano ba Naize, sumakay ka na." Hindi na ko nakapaglakad pa dahil bigla na lang ako nito binuhat at pilit na sinakay sa sasakyan nya. "It's not his fault, kung may sisisihin ka dapat ako hindi si Yukio. Nirespeto lang naman nya ang pakiusap ko sa kanya." Sabi nito na pilit kong binabalewala't nagsalpak na lang mulit ako ng earphone sa tenga ko.

Hindi pa nangangalahati ang tugtog ng bigla nitong hinablot ang isang earphone ko. "Yan, lagi kang ganyan ayaw mo man lang makinig, alam kong nasasaktan ka, hindi lang naman ikaw ang nasasaktan pati rin naman kami ni Yukio. Please, forgive us lalo na si Yukio, Naize give him a second chance." Sabi nito at muli na nyang tinuon ang tingin nya sa daanan hanggang sa makarating na kami sa bahay namin.

*=*=

Grumaduate na kaming lahat at masaya kami dahil natapos na namin ang isa sa mga pangarap namin. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula ng mangyari yun at ngayon nagkaayos na kami ni Andrew, siguro tama na nga na mag-usap na rin kami. Sa una mahirap pero sa huli maiisip mo na lang din na tama lang na pakinggan sila, alam kong nasaktan kaming tatlo pero hindi mawawala ang sakit kung hindi kayo magpapatawaran at mag-uusap muli.

"Naize, ang tagal mo naman." Iritang sabi sakin ni Andrew kaya kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Joke lang." Bawi nito at muli akong inakbayan. "Kamusta na pala kayo ni Yukio?"

"Wala ganoon pa rin, hindi naman na kami nag-usap simula ng mangyari yun." Nauna na kong maglakad papunta sa kotse nya.

Simula ng mangyari yun hindi na kami nakapag-usap pa ni Yukio, kahit ng grumaduate kami hindi kami nakapag-usap kahit nga i-congrats namin ang isa't isa hindi na din namin nagawa dahil pagkatapos ng graduation namin nalaman ko na lang na umuwi na pala sila.

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko dito kay Andrew dahil sa suot namin mukhang may pupuntahan kaming party.

"Basta dyan lang." Ngumiti ito ng nakakaloko kaya alam ko ng may tinatago ito sa akin. "May dadaanan pala muna tayo." Sabi nito at tumigil ito sa isang coffee shop. Habang pabalik sya may nakita akong kasama nyang babae at nakahawak kamay silang pumunta sa kinaroroonan ko kaya naman bumaba ako sa kotse nito.

"Naize meet Andreine and Andreine meet my best friend Naize." Sabi nito.

"Hello." Ngumiti ito at inilahad ang kamay nya sa akin kaya tinanggap ko ito at nakipag shake hands ako sa kanya.

KokuhakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon