Her 1o2 Side

35 3 0
                                    


Masaya akong umuwi sa bahay namin ng gabing iyon at napansin iyon ni Mama. "Ang saya mo yata ngayon Iha mukhang nag-enjoy ka sa lakad nyo ni Yukio." Sabi ni Mama sakin.

"Yes Ma, tulog na din po pala ako. Good night." I smiled at her.

Yes, tama kayo. Nakilala na nya ang Mama ko nung araw na sinundo nya ko dito sa may condo namin pero sandali lang yun dahil hinila ko na agad sya papunta sa elevator at nung panahon na yun, ewan ko ba sa lalaking yun kung ano ang kinakalikot sa cellphone kaya late na kami tuloy nakarating non sa pupuntahan namin.

Hindi ko alam pero isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng mangyari yun, masaya naman kami nung huli naming pagkikita ngumiti pa nga sya sakin nun nung bago ako pumasok sa loob ng lobby ng condo eh. Kung pwede ko lang sana ibalik ang oras baka naibalik ko na noong araw na yun.

*=*=*

Habang andito ako sa classroom namin bigla namang nahagip ng mata ko sila Yukio, Ven at Oreo siguro kanina magkakasama sama sila nila Andrew, Jack at Juan. Muli kong binaling ang tingin ko sa librong binabasa ko ng biglang namang i-announce ng kaklase namin na wala na kaming last subject.

That's nice, maaga akong makakauwi sa bahay namin ngayon, nakakasawa ng gumala pero minsan tong si Andrew mukhang tangang kasama eh. Muli akong napatingin kay Yukio ng hindi ko namalayan na nakatingin pala ito sa akin pero hindi nagtagal umiwas to ng tingin.

Ano kayang problema nitong lalaki na'to at naging ganito sya sakin ngayon, sobrang layo nya sa akin na tila'y hindi ko sya maaabot sa inaasta nya sakin. Para bang hindi nya ko kilala. Dahil wala na kaming last subject lumabas na din ako pero sa kasamaang palad magkasunod lang pala kami ni Yukio na maglakad at natatanaw ko na si Popoy sa labas ng unibersidad namin.

"Busy-ing busy kayo ngayon ni Naize ha?" Sambit nito sabay baling naman sakin. "Hoy yung sinabi mo saken, paano mo naman nasabi yun?"

"Wala. By observation. Minsan kailangan mong mag observe sa tabi tabi mo plen." Ngumiti ako ng mapakla sa kanya at nagpaalam na rin ako. "Paano Yukio and Popoy una na ko may gagawin pa kasi ako." Habang naglalakad na ko nagsalpak ako ng earphone sa tenga ko at nagpatugtog ako ng malakas.

 I want you to stay, never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again

Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?

Mga kanta yata dito sa playlist ko puro pang senti, mukhang tanga lang daig ko pa brokenhearted. 

And now I must move on
Trying to forget all the memories of you and me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold on  

"KABAYONG KALABAW!" Nakngtinapa! Sino ba to---hindi ko na naipagpatuloy ang iniisip ko dahil bigla nya kong hinarap sa kanya. "ANONG KAILANGAN MO?"

Tinanggal nya ang isa kong earphone bago ito nagsalita. "Ang lakas ng bunganga mo, saan ka pupunta ngayon, may lakad ka ba?" Nakakunoot noo lang akong nakatingin sa kanya. "Sa itsura mo mukhang wala, kaya tara na gumala muna tayo." Halos sya na nga ang kasama ko pumasok at kasabay umuwi eh. Anong nangyari sa lalaking to at ang kulit kulit ngayon? Minsan tatawag tapos tatawa lang. Lakas ng sapak din nitong isang to.

"Andrew wala ako sa mood ngayon, kung gusto mo ikaw na lang mag-isa o kaya naman yayain mo na lang ang mga kaibigan mo." Sabi ko dito at nauna ng maglakad kaya lang bigla akong napahinto sa sinabi nito.

"Kaya nga kita niyayakag kasi nga aalis nga kami, ako lang ang walang kasama kasi lahat sila may kasamang babae." With that, napatingin ako sa mga taong nasa likod nya. He's right tama sya pero wala naman si Yukio, Oreo at Ven sila Jack at Juan lang naman yun.

KokuhakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon