Lagi kitang naalala kapag ako'y nag-iisa.
Bumabalik ang mga alalang kung saan tayo'y magkasama.
Pilit ko mang limutin ka, ngunit puso ko'y naalala ka.Pumapasok sa'king isipan ang masasayang alaala.
Sayang animo'y walang katapusan, ngunit bigla ka na lang lumisan.
Ano nga ba ang aking nagawa para ako'y iyong iwanan?'Di ko malaman ang dahilan kung bakit ba ikaw pa rin?
Kahit na ngayo'y nasasaktan ang aking damdamin.
Oh bakit nga ba ikaw pa rin kahit na ngayo'y ako'y hangin na lang sa iyong paningin.
