"Paalam"

420 2 0
                                    

Nang nakilala kita puso ko'y lumigaya,
'Di mapigilan ang ngiti sa tuwing nakikita ka.
'Di ko inaasahang biglang lumapit ka, mundo ko'y tila naging kompleto na.

Isang araw sinabi mo na ako'y mahalaga,
Narinig nito ng puso ko at ngayo'y hinahanap-hanap ka.
'Di ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman, totoo na nga ba ito na dati'y panaginip lamang?

Lumipas ang araw bigla kang nagpaalam,
Tinanong kita kung bakit ngunit ang sagot mo'y di mo alam.
Puso ko'y nasaktan bakit ba ayaw mong ipaalam?
Siguro nga lahat ng iyon ay panaginip ko lamang.


tulalaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz