'DI MAAMIN

344 2 0
                                    

Darating pa ba ang panahon na masasabi ko sa'yo?
Kailan nga ba ang tamang oras para malaman mo ito?

Nabihag mo ang puso ko't ngayo'y nahuhumaling na sa 'yo.
'Di ko alam kung dapat ko bang ipaalam ang nararamdaman kong ito o 'wag na lang ipaalam sa'yo.

Takot nga ba o sad'yang wala lang lakas ng loob para lapitan ka?
Duwag nga ba o nawawalan lang talaga ako sa'yo ng pag-asa?

Alam ng langit kung anong hinihiling, ito lang ang nakakaalam kung anong pinapanalangin.
Sana masabi sa'yo nang harapan ang pag-ibig kong 'di maamin.


tulalaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz