Kapares

446 1 0
                                    

Nasaan ka? Oh saan ka nga ba makikita?
Sino ka, oh paano ka nga ba kita makikila?
Nananabik itong puso ko na mayakap ka.
Oh aking kapares sino ka nga ba?

Pitong bilyong tao sa mundo, 'di ko alam kung sino ka rito?
Walang kasiguraduhan kung tama ba ang tinitibok nitong puso ko.
Sad'ya nga bang may nakalaan na kapares ang puso ko?

Hinihiling sa bituing tres marias na sana makilala ka na,
Sapagkat puso ko'y naiinip na.
'Di bibitiwan kapag hawak ka na, oh aking kapares magpakita ka na.

tulalaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz