-Hi! HAHAHAHA. Dahil hindi ako nakasali sa spoken words (buwan ng wika) do'n school namin, dito ko na lang ilalagay. Lol
PS: Tungkol 'to sa wikang Filipino.
Ayos lang naman sa 'kin na may minamahal ka ng iba,
Basta 'wag mo lang akong ikahihiya sa kanila.
Hinihiling ko na huwag mo 'kong kalimutan,
Alang-alang sa iyong inang bayan.Ano nga bang dahilan para ako'y baliwalain lang,
Ito ba'y dahil ang halaga ko sayo'y wala lang?
Oo nga't 'di naman masamang magmahal ng iba,
Ngunit ikaw ay Pilipino, ako ang wika mo.Para saan pa nga ba ang paghihirap ng mga bayani para sa 'kin?
Kung ngayon naman ay tinuturing mo lang ako na parang hangin.
Nakakalungkot isipin na ikaw pala mismong Pilipino ang papatay sa akin.Hindi pa huli para bumalik sa 'kin,
Hindi pa huli para ako'y pahalagan At mahalin.
Ikaw na may dugong Pilipino, wag kalimutan sa puso mo,
Na ako ang wika mo.
