Ano bang ginawa ko para saktan mo ako ng ganito?
Kailan ko nga ba masasabi sa sarili ko na niloko mo lang ako?
Paano na ang puso kong lagi'y mukambibig ang pangalan mo?Ano nga bang dapat gawin ng puso ko para makalimutan ka na?
Kailan ko nga ba matatanggap na ika'y wala na talaga?
Paano pipigilan ang pagtulo nitong aking luha sa t'wing naaalala ka?Ano bang gamot sa pusong lumuluha?
Kailan nga ba magiging malaya sa pangungulila?
Paano ba malilimutan ang matatamis na alaalang noong hawak ka pa?
