Mayroon pa nga bang magpapatibok ng puso ko?
Sino nga ba talagang magpapahalaga nito?
Ngunit paano magagawang maghintay?
Kung ang puso koy pagod na sa lumbay.Sabi nila lahat ng tao may kapares sa mundo,
Ngunit bakit tila ang puso ko'y mag-iisa hanggang dulo?
Paano nga ba matututunan ang maghintay?
Kung ang totoo naman ay walang naghihintay.May pag-asa pa nga ba ang puso kong umaasa,
O kailangan ko nang tanggapin na 'di na muling sasaya?
Patas nga ba ang mundo o wala lang talagang nakalaang tao para sa puso ko?
