Martyr

451 2 0
                                    

Lumuluha ka na naman, akala mo 'di ko alam.
Akala mo 'di ko nakikita na nag-iisa ka na naman.
Sino nga ba yung gagong 'yon, ba't nasasaktan ka ngayon?

Mas masakit pala na nakikita ka nasasaktan kaysa sa nakikitang ka'ng may kasamang iba.
Nandito naman ako, ba't ba siya pa rin ang gusto mo?
Gusto ko sanang pasayahin ka, ngunit puso ko'y walang lakas ng loob na lapitan ka.

Hinilling ngayon na sana lumigaya ka na kahit 'di ako ang iyong kasama.
Laging tatandaan na kahit malayo ka, 'di ako magsasawang bantayan ka.
'Wag iisipin na wala kang kwenta dahil sa puso ko'y importante ka.

tulalaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz